INAPRUBAHAN na sa Senado
ang resolusyon na naglalayong
pahabain ang validity ng
calamity related funds sa ilalim
ng 2013 national budget
upang magamit sa taon 2014.
Nasa 12 senador ang pumabor
sa Senate Joint Resolution
No. 7 at walang tumutol, habang
isa ang abstention sa katauhan
ni Senate minority leader
Juan Ponce Enrile.
Nabatid na tinatayang nasa
P12 billion pa ang natitirang calamity
fund at iba pang unobligated
funds sa ilalim ng 2013
IDINEPENSA ng Malacañang
ang panibagong pasaring ni
Pangulong Benigno “Noynoy”
Aquino III sa media na aniya’y
ginagamit ang kontrobersya
upang maging mabenta ang
balita.
Sa mensahe ni Pangulong
Aquino kamakalawa, binanatan
niya ang ilang miyembro ng
media na puro aniya batikos
lamang ang ginagawa at hindi
nagbibigay ng suhestyon ng
mga dapat na solusyon sa mga
problema ng bansa.
Sinabi ni Presidential Communications
Sec. Sonny Coloma,
nais lamang ni Pangulong
Aquino na maging balanse ang
pagbabalita ng media.
Ayon kay Coloma, walang
problema na ibulgar ng media
ang mga kabulastugan sa
pamahalaan ngunit dapat din
na ibalita nito ang mga nagagawa
ng gobyerno.
Una nang inulan ng pagpuna
ang Pangulong Aquino dahil
sa sinasabing mahina at napupulitikang
pagtugon sa krisis
gaya sa Zamboanga siege, lindol
sa Bohol at delubyo ng
bagyong Yolanda.
(ROSE NOVENARIO)