Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinay tiklo sa P10-M liquid Cocaine sa NAIA

120513_FRONT

120513 liquid cocaine

INIHARAP ni Bureau of Customs (BoC) police OIC Willy Tolentino sa airport media ang dalawang kilo ng liquid cocaine (12mm) na nasabat sa dumating na overseas Filipino worker (OFW) na kinilalang si Mary Joy Soriano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa Dubai sakay ng Qatar QR-962 kahapon ng umaga. (JERRY YAP)

ISANG overseas Filipino worker (OFW) mula Qatar ang pinigil pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang masabat sa kanyang bagahe ang tinatayang P10-milyon halaga ng liquid cocaine na inilagay sa basyo ng shampoo kahapon ng umaga.

Ayon kay Airport Customs chief Mario Alameda, aabot sa dalawang litro ng cocaine na nakasilid sa plastik na botelya ng shampoo ang narekober mula kay Mary Joy Soriano, 25-anyos, tubong Quirino Province.

Sa unang pagkakataon, nakasabat ng liquid cocaine ang pinagsanib na operatiba ng PDEA at Customs na kapag nahanginan ay agad mamumuo at nagiging pulbos.

Posibleng umabot umano sa dalawang kilo ang epektos kapag na-proseso at aabot sa P10 milyon ang market value.

Nanggaling na rin sa Dubai, at iba pang drug hotspots tulad ng Hong Kong, Macau, Thailand at Brazil ang Pinay bago magtungo sa Doha, Qatar.

Nagpakilalang  domestic helper ang nahuling Pinay na nagdepensang hindi kanya ang bagaheng kinakitaan ng droga.Minamanmanan umano ng US Drugs Enforcement Agency ang Pinay.

Sasampahan ng kasong smuggling of illegal drugs si Soriano sa DoJ bago isuko sa PDEA para sampahan ng panibagong kaso.

ni Gloria Galuno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …