ISINUSULONG sa Kamara
ang paggawad ng parangal at
pasasalamat sa namayapang
Holywood star na si Paul
Walker.
Batay sa House Resolution
577 na inihain ni Negros
Occidental Rep. Albee Benitez,
nararapat parangalan
ang tulad ni Walker na nagpakita
ng pagnanais na
makatulong sa nasalantang
mamamayan sa Filipinas
hanggang sa huling sandali
ng kanyang buhay.
Magugunitang nag-organisa
ng charity event si
Walker para mangalap ng
laruan at cash donations para
sa mga batang biktima ng
bagyo at nagpadala rin sa
bansa ng 12 disaster responders
sa pamamagitan ng kanyang
foundation
Ayon sa tagapagsalita ng
Reach Out Worldwide foundation
ni Walker, mayroong
“special love” ang aktor para
sa Filipinas.
Si Walker ay namatay nitong
Linggo sa car accident
sa charity event para sa Yolanda
victims.
Bago ang insidente, sa
pamamagitan ng video ay
nanawagan din si Walker ng
tulong para sa mga biktima
ng kalamidad, kasama ang
kanyang co-actors sa pelikulang
“Fast and the Furious.”