INIHAYAG ng gobyerno na magpapatuloy ang ginagawang
relokasyon sa mga pamilyang nakatira sa delikadong lugar sa
Metro Manila partikular sa mga nasa estero.
Sinabi ni Budget Sec. Butch Abad, naglabas ang kanyang
tanggapan ng P3.38 billion sa National Housing Authority
(NHA) para sa patuloy na implementasyon ng Housing Program
for Informal Settler Families (ISFs) Residing in Danger
Areas in Metro Manila.
Ayon kay Abad, bagama’t patapos na ang taon, nakararanas
pa rin ang bansa ng ilang bagyo at malalakas na pag-ulan.
Sa nasabing pondo kukunin ang ipambabayad sa 3,086
housing lots at construction ng iba’t ibang housing units.
Kukunin ang pondo sa savings ng gobyerno noong 2011. (HNT)