Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dawit sa fake SARO sinibak sa House Committee

INALIS na ni House Speaker Feliciano Belmonte sa House appropriations committee ang empleyado ng Kamara na sangkot sa kontrobersya ng pekeng Special Allotment Release Order (SARO).

Sinabi ni Belmonte na una nang inilipat si Jose Badong sa Office of the Secretary General ng Kamara habang isinasagawa ng NBI ang imbestigasyon sa fake SARO.

Ayon sa House leader, si Badong lamang ang kanilang inilipat dahil ang ibang congressional staff na nababanggit sa kontrobersya ay pawang staff na ng mga kongresista.

Si Badong ang napakiusapan ng staff ni Zamboanga City Rep. Lilia Nuño na si Emmanuel Raza na mag-abot ng SARO sa tanggapan ni Cagayan Rep. Baby Aline Vargas-Alfonso, partikular sa chief of staff nito.

Bagama’t binibigyang laya ni Belmonte ang NBI na magsiyasat, naniniwala siyang inosente rito ang dalawang mambabatas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …