NIYANIG ng magnitude 5.7 na
lindol ang ilang bahagi ng Mindanao
dakong 7:58 a.m. kahapon.
Ayon sa ulat ng Phivolcs,
naitala ang epicenter nito sa 57
Davao niyanig ng mag. 5.7 lindol
km timog silangan ng Mati,
Davao Oriental.
May lalim itong 52 kilometro
at tectonic ang pinagmulan.
Inaalam pa ng Phivolcs at
NDRRMC kung may naitalang
pinsala dahil sa pagyanig.
Napag-alamang naramdaman
ang Intensity V sa Mati,
Davao Oriental; Davao City; at
Toril.
Naramdaman naman ang
Intensity III sa Butuan City; at
Kidapawan City.
Habang Intensity II naman
sa San Francisco, Agusan Del
Sur; Cotabato City; Gen. Santos
City; Koronadal City; Polomolok
South Cotabato; at Alabel
Sarangani. (BETH JULIAN)