Wednesday , August 13 2025

Sec. Mar Roxas binabalasubas na ng mga pulis!

ALAM kaya nina PASIG CITY police chief, SUPT. MARIO RARIZA at ni EPD DIRECTOR, CHIEF SUPT. MIKE LAUREL na ang mga Lotteng operator na sina CRIS at partner niyang si ROSEganundin ang magpartner na sina LAARNI at MARIO e abala na sa kanilang operasyon sa lungsod ng PASIG?

Ipinangangalandakan daw nitong mga lotteng operator na wala nang makapangre-raid sa kanilang lotteng operation dahil bastante na raw ang mga police official at timbrado na rin daw hanggang saCRIMINAL INVESTIGATION and DETECTION GROUP sa CAMP CRAME … aba, naging abala lang ang ating national government sa pagbibigay asiste sa mga nasalanta ng super bagyong Yolanda e sinamantala na rin pala ng mga lotteng operator na to ang pagkakataon at yun nga busy na sa kanilang mga operation, ‘di ba alyas “Ed Morata,” tsk ! tsk ! tsk !

***

Para narin sa kalaman ni  Gen. Garbo sa sirkulo ng jueteng lord na si Tony “Bulok” Santos e nagkakagulo raw dahil sa bukulan at hindi naman daw naihahatid ang mga dapat na parating para sa mga piling personalidad sa Caloocan City Hall at sa Quezon City Hall ganundin sa police department ng naturang 2 city hall … at may mga payola rin daw sa mga piling MEDIA? ‘Di ba Arnold Zandoval . Tsk .. tsk.. tsk ..

***

Ganun din daw sa Quezon City ay busy rin ang operasyon sa sirkulo ng lotteng nina LITO MOTOR alyas EL EM. VER BIKOL, DON RAMON … dahil malakihan na raw ang intelehensiyang ibinigay sa mga operating unit lalo na sa tanggapan ni Gen. Richard Albano para raw preparasyon sa pamasko ng mga pulis? Ows, hindi kaya puro helmet na ang nakasuot sa ulo ng mga nabanggit na police generals at nagagamit na ang kanilang mga pangalan ng mga ilegalista sa Metro Manila?

***

Bukod sa gambling operation e walang humpay din sa pamamayagpag ang prostitution sa mga nightclub na kinabibilangan ng Universe Girl Club na pag-aari ng isang Japanese national na nagngangalang Kenjie Suzuki sa Harrison, Pasay City na ginagamit na front ay ang magkapatid na sina Hiro at Akiba na pasimuno sa mga bar fine at mga quickie sex sa loob ng kanilang VIP rooms.

Eto pa ang mga club na namamayagpag dahil nakapagbibigay daw ng intelehensiya sa mga kolektor ng bawat yunit ng pulisya … Club Identity, Bachelor Mansion, Club Enigma na nasa Roxas Boulevard, Pasay City … Super hubaran din ang stage show sa Richman na nasa FB Harrison at ang Wild River na nasa EDSA ng Pasay City! ‘Di ba  Jigs Servillion  Tsk.. tsk.. tsk..

Hayan, mga bosing Gen. Garbo, Gen. Uyami, Jr., ang Target on Air ay humahanga sa inyong panunungkulan, pero kapag ganito po ang mga impormasyong nakakalap ng ating mga impormante e makasisira po iyan sa inyong mga imahe at masasabi ngang nasasalungat ninyo ang panuntunan ni Sec. Roxas at ni Presidente noy Aquino III para sa Tuwid na Daan!

Makinig sa DWAD 1098 khz “ Target on air’ tuwing Martes at sabado 11 am -12 pm mag txt sa 0919 – 6612 – 670 / 0916 – 7578 – 424  sa  sumbong o reklamo o mag email sa  rexcayanong@yahoo.com

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Cecille Bravo Aking Mga Anak

Philanthropist-Businesswoman Cecille Bravo mahusay sa Aking Mga Anak 

MATABILni John Fontanilla MARAMING nagulat sa ipinakitang husay sa pag-arte ng Philanthropist at Celebrity Businesswoman …

Elias J TV Beverly Labadlabad

Selos dahilan ng away nina Beverly at Elias 

MATABILni John Fontanilla MARIING pinabulaanan ng businesswoman-talent manager na si Ms. Beverly Labadlabad ang bali-balita na may …

Gary V Angeli Pangilinan

Gary V nakaranas ng tunay na himala

MA at PAni Rommel Placente NOONG August 6 ipinagdiwang ni Gary Valenciano ang kanyang 61st birthday kasabay …

Toni Gonzaga Bayani Agbayani Alex Gonzaga Isko Salvador Brod Pete Eric Nicolas

Bayani inilaglag si Alex, pinuri si Toni

MA at PAni Rommel Placente SA bagong game show ni Toni Gonzaga na Ang Tanong, ay naging players …

Vanderlei Zamora

Vanderlei Zamora bagong aabangan sa mundo ng pageantry 

MALAKI ang tsansang makuha ni Vanderlei Zamora ang titulo bilang Mister Teenager Universe 2026 na gaganapin sa Surabaya, Indonesia …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *