MARAMING pinabilib ang nagbitiw na Customs Commissioner na si RUFFY BIAZON.
Noong unang pinuna at sinermonan ni Pangulong Noynoy sa kanyang State of the nation Address (SONA) ang makakapal ang mukha sa Bureau of Customs (BoC), agad nagpahayag ng kanyang pagbibitiw ang Commissioner sa pamamagitan ng text message pero hindi tinanggap ng Pangulo.
Nitong nakaraang linggo, kasama siya sa mga kinasuhan ng Department of Justice (DoJ) sa pork barrel scam (P1.9 m) bilang dating congressman ng Muntinlupa City.
Nang lumabas ang nasabing balita, agad nakipag-usap si Commissioner Biazon sa Pangulo at pagkatapos nito ay naghain siya ng irrevocable resignation.
Tinanggap ng Pangulo ang kanyang pagbibitiw na magiging epektibo isang linggo pagkaraan nito.
Kasabay nito ay pinasalamatan siya ng Pangulo dahil sa ipinakita niyang pagsisikap na isulong ang reporma sa Bureau.
Gayondin, hinangad ng Pangulo ang masaya at pribadong buhay ni Commissioner sa piling ng kanyang pamilya.
Kaya marami man ang nanghihinayang sa kanyang pagbibitiw, wala tayong magagawa dahil sabi nga ‘there were only few good men in the government service.’
Gaya nga ng madalas nating sinasabi, thankless job ang maging Customs Commissioner. Kahit anong ganda pa ng iyong performance sa BoC, sa isang iglap ay mawawala ito pag naindulto ka.
Kudos private person Ruffy Biazon and good luck on your future endeavour.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com