Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino ang Man’s Best Fed?

INUNGKAT kamakailan ng isang kaibigan ang K-9 issue, binigyang-diin ang pilosopiya tungkol sa karapatang pantao ng mga preso.

Ikinompara niya ang sniff dogs ng Philippine National Police (PNP) sa mga nakabilanggong kriminal at napag-isip-isip niyang maling-mali ang pagtrato ng gobyerno sa tao kompara sa aso.

Pinupunto ng kanyang argumento ang paggastos ng PNP ng P100 kada araw para sa pagkain ng trained canine habang naglaan lang ang Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng P50 daily food allowance para sa bawat preso.

Kung hindi ko pinagtimbang-timbang na mabuti ang issue, posibleng sinegundahan ko na ang kaibigan ko. Pero sa pag-aanalisa ko sa kanyang punto, taliwas ang aking opinyon.

Una, hindi naman makatwirang ikompara ang isang napakikinabangang aso sa isang kriminal dahil isa itong malinaw na pagmemenos sa kahalagahan ng tao. Kaya hindi ito ang dapat na basehan ng gobyerno sa pagtrato sa tao laban sa aso.

Tandaan n’yo na ang mga aso ng PNP at trained K-9s ay tumutulong upang matukoy at mahuli ang mga pasaway sa lipunan—drug traffickers, murderers, kidnappers, terrorists, at iba pang kaaway ng matitinong tao.

Asal-tao lang ang dapat na tratuhing tao. Kung sinasamantala niya ang kanyang kapwa at ang kawalang-konsensiya ay masahol pa sa hayop, walang dudang ang mga aso—lalo na ang mga kapaki-pakinabang—ay higit na mabuting “mamamayan” ng lipunan.

Sa kabilang banda, sang-ayon ako sa aking kaibigan na kung tunay na seryoso ang ating gobyerno na sangkapan ng rehabilitasyon ang pagpaparusa sa mga kriminal, kailangan daang-beses na pagbutihin ang penal system sa ating bansa.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …