MAYROON bang ano mang res-triksyon o limitasyon sa feng shui use ng mga kandila? Mayroon bang espisipikong feng shui guidelines sa paggamit ng mga kandila?
Oo naman, ang mga kandila ang pinakamalakas na ekspresyon ng feng shui element ng Fire sa inyong bahay (kung wala kayong fireplace).
At dahil dito, mayroong specific feng shui guidelines na dapat sundin para sa pagkalinga sa enerhiya ng inyong bahay.
Bilang Fire feng shui element, ang kandila ay nagdudulot ng enerhiya ng pagkadalisay at inspirasyon, pinaiinit nito ang enerhiya at nagpapahupa sa pang-araw-arawn na stress.
Ang mga kandila ay ginagamit sa feng shui areas ng South, Southwest, Northeast at Center. Sa paggamit ng mga kandila bilang feng shui cures, dapat pagtuunan ng pansin ang kulay gayundin ang candleholder material/element.
Ang isa pang mahalagang aspeto ng paggamit ng mga kandila sa bahay ay ang aspeto ng kalusugan kaugnay sa kalidad ng indoor air.
Huwag gagamit ng paraffin candles sa loob ng bahay. Ayon sa pagsasaliksik, ito ay may taglay na toxins katulad ng nabubuo mula sa nasusunog na diesel fuel.
Sa pagsindi ng high quality candle sa loob ng bedroom nang hanggang 15 minuto bago ma-tulog ay maaa-ring magbago ang enerhiya na makatutulong sa mahimbing na pagtulog.
Lady Choi