Monday , December 23 2024

Jeepney Strike walang basehan

DAPAT na maging matatag ang pamahalaang lungsod ng Maynila laban sa mga abusadong jeepney operators na nakapaloob sa Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP). Isipin na lamang na nakukuha pa nilang mag-strike sa kabila ng totoong pagiging abusado ng kanilang mga tsuper at pagkokonsinti sa pagpapalabas ng mauusok na sasakyan.

Mantakin na lamang na libo-libong mananakay ang pinahirapan ng mga abusado dahil sa strike gayong tama lamang na sila ay paghuhulihin ng traffic enforcers. Bukod sa mausok ang karamihan sa kanilang mga sasakyan ay walang kinikilalang mga batas trapiko ang mga driver na ‘yan.

Alam ng taong bayan na ang mga driver ay walang sinasanto sa daan. Ilang beses natin nasaksihan na tumitigil sila sa gitna o kahit saang kanto? Ilang beses nating nakita na tumatakbo nang wala sa tamang linya ng daan? Ilang beses na tayong nasakay sa mga driver na mahilig makipag-karera sa mga kapwa drayber? Ilan ang naging biktima ng kanilang kawalanghiyaan sa daan? Hindi lamang iisang beses kundi araw-araw na nagaganap ito. Kawawa naman tayo.

Walang disiplina ang karamihan sa drayber ng pampublikong sasakyan kaya laging trapik hindi lamang sa Maynila kundi sa buong Kalakhang Maynila. Ngayon, hindi lamang mga jeepney driver ang dapat na pinaghuhuli…dapat din na hinuhuli ang mga tricycle, taxi at bus driver na bastos sa lansangan. Bukod sa paghuli ay dapat ay kasuhan o alisan ng prangkisa ang mga operators at asosasyon nila.

* * *

Tayo ay nalilibang sa mga nagaganap na kontrobersya sa kongreso at napapako rin ang ating atensyon sa pinsalang inihatid ni Yolanda sa ating bayan. Dahil dito ay hindi natin napapansin na maaaring magdigmaan ang bansang Hapon at Tsina dahil sa hindi pagkakaunawaan sa teritoryong dagat.

Mukhang kampante ang kasaluluyang administrasyong Aquino at walang ginagawang paghahanda kung ano man ang mangyayari sa bahaging iyon ng mundo. Siguro kapag nag-umpisa na ang bakbakan ay saka pa lamang kikilos ang administrasyon. Sabagay alam na naman natin na laging huli ito sa pagkilos.

Kitang-kita natin ang kabagalang ito sa palagiang kabiguan ng administrasyon na kaagad tumugon sa mga naging biktima ng iba’t ibang kalamidad. Kaya uulitin ko ang aking noon pa ay sinasabi…wala tayong aasahan tumulong sa atin kundi ang ating mga sarili. Huwag na tayong umasa sa tulong ng administrasyon ito…walang paki ito sa atin kung ano man ang mangyari.

Sariling sikap tayo mga kababayan.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *