BINIRO si Enzo Pineda na kung magkakaroon ng prequel ang My Husband’s Lover, na estudyante pa lang sina Vincent (Tom Rodriguez) at Eric (Dennis Trillo), bagay sa kanila ni Rocco Nacino.
“Okay lang, bestfriend ko naman si Rocco eh,” tugon ni Enzo sa shooting ng pelikulangBasement.
Hindi raw sila magkakailangan dahil magwo-workshop naman sila.
“Minsan may mga workshop kami na you need to touch, feel or smell your partner so hindi lang babae ‘yung makaka-partner mo, lalaki rin. Parang, work is work naman, eh, parang iba naman ‘yung, for me okay lang. I mean sa ibang bansa like sa mga sa French people, iba ‘yung way of pagkakaibigan ng mga lalaki roon. Mayroon pa nga sa mga Mafia, mga Mafia nagbebeso-beso. So, ako open naman ako sa mga bagay na ganoon,” bulalas niya.
KC, bagay maging Dyesebel
PALAISIPAN ngayon kung sino ‘yung babaeng lumalangoy sa teaser ng Dyesebel na ipalalabas saABS-CBN 2 sa 2014.
May humuhula na comeback project daw ito ni Kristine Hermosa. May nagsasabi ring si KC Concepcion ‘yun.
Mukhang mas bagay kay KC ang role dahil dalaga at kapapanalo lang na Best Drama Supporting Actress sa PMPC Star Awards. Kumbaga, may napatunayan na siya sa aktingan para bigyan ngayon ng title role.
Kahit sa Instagram Account ni KC ay may mga humuhula na baka siya ang gaganap na Dyesebeldahil sa pag-post niya ng isang sirena na may red hair at may caption na ”Under the sea… Wish I could be… Part of that world (love) mermaid moment.”
Noong bata pa naman si KC, pangarap niya na maging sirena at feel na feel niya ito.
Talbog!
Rocco, muntik malunod habang ginagawa ang Pedro Calungsod
MUNTIK na palang malunod si Rocco Nacino sa last shooting day ng kanyang filmfest entry na Pedro Calungsod: Batang Martir. Aminado siya na ito ang pinakamahirap niyang role na ginawa.
“Siguro yung muntik na akong malunod, nung ginawa namin yung ending. Masyadong mabigat yung bato (nakatali sa kanya). At paglingon ko paakyat, malayo pa yung lalanguyin ko. So, almost… muntik akong mahimatay under water. Buti na lang may diver na humabol at binigyan ako ng mask (oxygen). Yun siguro ang hindi ko makakalimutan.
“Nakainom ako ng kaunti tapos nagwa-white flashes na ako. So, umabot sa ganoong point. But then, after mangyari ‘yun, sinabi ko pa rin na, ‘Halika, tapusin natin ‘yung eksena’,” kuwento niya sa presscon ng naturang pelikula with matching fashion show.
Naniniwala si Rocco na ginabayan at inalagaan siya ni San Pedro Calungsod habang tinatapos ang pelikula.
Naikuwento rin niya kay Lovi Poe (nali-link sa kanya) na muntik na siyang malunod at naramdaman naman niya ang concern ng dalaga.
“Nakatutuwa. She’s one of the people na I talked to kapag ano… kunwari stressed ako sa mga line ko in Bisaya, Latin, Spanish. Isa siya sa mga una kong tinatawagan.”
Iimbitahan daw niya si Lovi na ka-date niya sa premiere night ng Pedro Calungsod kung pasok ito sa schedule niya. Naiintindihan naman daw niya na may trabaho ‘yung tao. Kahit sa Pasko, gusto niya itong makasama kung hindi aalis ng bansa si Lovi.
‘Yun na!
Kristoffer, gustong maging isang tulad ni Dingdong
NAKATSIKAHAN namin si Kristoffer Martin sa press visit sa last shooting day ng horror movie na ginagawa niya, ang Basement. Adik ang role niya sa pelikula at napunta sila sa basement na may nakakikilabot na lihim.
Sino ba ang gusto niyang sundan ng yapak, Dingdong Dantes o Richard Gutierrez?
“Dingdong Dantes,” mabilis niyang sagot. ”Kasi nakasama ko na si Kuya Dong.”
Si Kristoffer din ang naging young Dingdong sa Endless Love rati.
“Kasi yung dedication niya sa craft niya, sobrang kita eh, sobrang mararamdaman mong gusto niya ‘yung ginagawa niya, at the same time may gusto pa siyang mangyari. Like nag-aaral siya, may mga other commitment siya abroad, ang dami niyang nagagawa.
“Kumbaga gusto niya kasi so siya ‘yung ginagawa kong inspirasyon.”
Kumusta naman sila ni Joyce Ching?
“Next question,” pagbibiro niya.
“May communication pa rin naman kami pero hindi na, unlike before, na everyday, every night, every minute of the day magka-text.
“Ngayon siguro kumustahan na lang, ganyan. Pero happy ako kasi ano eh, siguro we need this to grow, siguro rin pero hindi naman sinasarado ‘yung pinto, eh. Still open pa rin kami sa possibilities.”
Cool-off ba sila o break na?
“Wala namang cool-off eh,” sagot niya.
“Ngayon ang focus ko studies, doon ako nagbabaling ng atensiyon.”
Nag-aaral ngayon ng kursong Entrepreneurship si Kristoffer sa San Beda College.
Ano ang nami-miss niya kay Joyce?
“Lahat! Buong siya. Mahirap kasing magbigay ng specific kasi lahat sa kanya special.”
Love pa niya si Joyce?
“Oo naman. Hindi naman mawawala ‘yun, hindi naman agad mawawala ‘yun.”
Sa palagay ba niya ay mahal pa siya ni Joyce?
“Ah ‘yun ang hindi ko alam. Kasi alam ko sa amin iyon ‘yung iniwasan naming maramdaman ng isa’t isa kasi mahirap ng umasa.
“Kumbaga kung ano ‘yung nararamdaman namin sa amin na lang, sinarili. Iyon ‘yung feeling kong set-up namin eh, kasi parang baka mamaya kumapit, kumapit umasa, umasa iyon ‘yung parang iniiwasan namin.
“Kasi for now ang focus namin is, siya ‘yung career niya, ako career at tsaka ‘yung studies ko.”
Okay lang daw sa kanya kapag nalaman niyang may ibang nanliligaw kay Joyce.
Hindi siya masasaktan?
“Siyempre andoon ‘yung factor na masasaktan ka pero anong magagawa mo you have no right na, eh. Kumbaga if that will make her happy then I’m happy with it,” sey pa niya.
Roldan Castro