Monday , December 23 2024

Anybody but Philip

She (Mary) will give birth to a son, and you are give him the name Jesus, because he will save his people from their sins.—Matthew 1: 21

ITO ang sentimiento ng maraming barangay officials na nagnanais nang mapalitan ang liderato ng Liga ng mga Barangay sa Maynila—kahit na sino, huwag lang muli si Philip Lacuna.

Sang-ayon ang marami sa panawagang ito. Lalo na’t nasa gitna lamang si Pangulong Erap at hindi makikialam sa eleksyon ng Liga ngayong Disyembre.

***

SA ganitong paraan malayang makakikilos ang mga kandidato sa Liga upang maisulong ang mga pagbabagong nais nilang ipatupad.

Magkaroon ng tunay na kinatawan ang Barangayan sa City Council at hindi maging “tuta” lamang at nagbubutas ng bangko sa konseho.

***

ISULONG ang kapakanan ng Barangayan, magkaroon ng kongkretong programa para maiangat ang bawa’t barangay.

Supilin ang korupsyon sa Liga. Maging pantay-pantay ang lahat ng pagtingin sa mga barangay officials. At higit sa lahat igalang ang posisyon ng isang halal na barangay chairman.

Nagawa ba nila ito sa loob ng anim na taon? Walaaaa!

ONE STRIKE POLICY IPATUPAD

VS CARTER AT MAJ. SAGAYSAY

LUMABAS na ngayon ang kapalpakan sa sistema ng pagpapatakbo ng trapiko sa Maynila. Dahil kahapon, nabulaga ang maraming pasahero nang wala silang makitang jeepney sa kalsada.

Nag-tigil pasada ang mga miyembro ng FEJODAP ni Zeny Maranan at PCDO-ACTO ni Efren de Luna. Halos naging paralisado ang buong Maynila dahil sa jeepney strike.

***

INIREREKLAMO nila ang patuloy na pangongotong ng mga traffic enforcer, ang wrecking system at iba pang kabalbalang nagaganap sa ilalim ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na pinamumunuan ni Carter Logica at Manila Traffic Unit ni Major Olive Sagaysay.

Napatunayan na ang mga ipinagmamayabang na maayos na ang trapiko sa Lungsod nina OIC Logica at Major Sagaysay ay walang saysay.

Dahil laganap pa rin ang pangongotong!

***

HINDI nalalaman ng Pangulong Erap na unti-unti na siyang dinudurog sa publiko, dahil sa mga kawalanghiyaan ng MTPB traffic enforcers at Manila traffic police.

Sinuway ang kanyang polisya na no take policy, patunay ito sa isinagawang welga ng jeepney drivers/operators. Sana ay alamin mabuti ni Pangulong Erap ang tunay na kalagayan ng trapiko sa Maynila.

Nabubukulan ka na, sinisira ka pa!

***

KUNG ang polisiya ay one-strike policy, aba unahin nang patalsikin sa puwesto sina Carter at Major Sagaysay na walang saysay, dahil bigong mapahinto ang pangongotong.

Ayon sa FEJODAP, may 40 traffic personnel sa kanilang listahan na ang trabaho ay mangotong sa kanilang hanay. Kaya ang tanong, kikilos ba ang inirereklamong mga traffic personnel nang walang basbas mula sa mga opisyal?

Aysus, style n’yo bulok!

SALAMAT SA PAG-AKSYON,

PANGULONG ERAP!

SALAMAT naman at pinakinggan tayo ng Pangulong Erap kaugnay sa reklamo ng maraming pedestrians na malayo pa ang kanilang iniikutan bago makarating sa Manila City hall at SM Manila.

Higit na nagpapasalamat ang mga senior citizen na hirap na hirap sa paglalakad dahil pinadaraan pa sila sa makipot na daan na pinagmumugaran ng mga tiangge sa Bonifacio Shrine.

***

MABILIS ang naging tugon, kaya kahapon ay binuksan na muli ang pedestrian lane sa gilid ng city hall at maayos na nakadaraan ang mga pedestrian. Hindi na kailangan umikot pa ng ilang metro bago makatawid patungong city hall o SM Manila.

Dapat talagang palaging pakinggan ang hinaing ng mga mamamayan at hindi ang kapritso ng iilan na walang alam kundi ang kumita at magkamal ng salapi.

Muli, salamat Pangulong Erap!

***

KAYA naman huwag na sanang magtangka pa ang panibagong grupo na nagnanais umano magtayo ng peryahan sa bisinidad ngBonifacio Shrine.

Nauna nang binaklas rito ang ferries wheel at tsubibo dahil sa reklamo ng pambabastos sa shrine ni Gat Andres Bonifacio at tutol din dito ang Manila Tourism Bureau at ang kalapit na eskwelahan Universidad de Manila (UDM).

Bawal na ito, period!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *