Sunday , December 22 2024

RTU dinomina ang SCUAA-NCR boxing tourney

NASIKWAT ng Rizal Technological University (RTU) ang walong (8) gold medals para mag-overall champion sa men’s division ng boxing competition tungo sa panibagong banner year sa 26th State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA)-National Capital Region Games for 2013 na tinampukang “SCUAA NCR FOR A CAUSE” na ginanap sa Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA) Villamor Campus sa Pasay City nitong Biyernes.

Nakaungos si Jovan Solmoro kontra kay Antonio Dacules Jr. ng PhilSCA sa finals ng 64 kilogram para makasama ang iba pang RTU pugs sa gold medal podium na kinabibilangan nina Alvin Defeo, Proferio Aus Jr., Zairon Chavez, Romar Brina, Mark Alex Brin, Jhun Medardo Nucolan, at James Ybanez.

“Bagama’t nakauna ako pero kinapos ako sa bandang huli kasi para akong naubusan ng hangin,” sabi ni Dacules na nag-celebrate ng kanyang 17th birthday nitong Biyernes, isang Information Management student sa PhilSCA Villamor Campus.

“Talagang malakas ang RTU at lahat ng player natin sa PhilSCA ay puro rookie. Pero proud ako sa mga boys kasi nakuha nila ang 7 sa 8 silver medals sa boxing event matapos makaabot sa finals,” sabi ni PhilSCA boxing coach Arlo Chavez,  former Asian Championships at Southeast Asian Games gold medallist.

Giniba ni Defeo si Nixon Paulino ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa gold medal sa 49 kg; angat si Aus kay Jhandy Zeus Chavez ng PhilSCA sa 52 kg; panalo si Chavez kay Gerard Ray Conche ng PhilSCA sa 60 kg; hinampas ni Brina si Paolo James Cardinal ng PhilSCA sa 69 kg; angat si Brin kay Marlon Kuzada of PhilSCA sa 46 kg; panalo si Nucolan kay Jake Nikki Sese ng PhilSCA sa 56 kg at winasiwas ni Ybanez si Geofrey Licoda ng PhilSCA sa 75 kg.

Mismong sina PhilSCA Vice President For Administration and Finance Dr. Felix C. Boyles at Asst. Prof. Gigi A. Manaog, Chairman ng Board of Sports Management sa 26th SCUAA-NCR Games ang nanguna sa opening rites kasama ang mga opisyales ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) na nangasiwa ng nasabing event.

Samantala,  ang RTU na nasa gabay nina president Dr. Jesus Rodrigo F. Torres at sports director Prof. Noraida N. La Rosa ang inaasahang magkakampeon din sa Beach Volleyball competition na ginaganap sa UE Caloocan campus. Tangan ng RTU men’s team ang 4-0 win-loss records habang bitbit naman ng  women’s team ang 3-0 clean slate.

Ang SCUAA-NCR ay binubuo ng seven participating schools gaya ng Philippne State College of Aeronautics (PhilSCA), Philippine Normal University (PNU), Rizal Technological University (RTU), Polytechnic University of the Philippines (PUP), Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST), Technological University of the Philippines (TUP), at Marikina Polytechnic College (MPC). (Marlon Bernardino)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *