MULING nakaranas ang mga residente ng Bohol ng pagyanig dakong 8:45 p.m. kamakalawa.
Ayon sa Phivolcs, nasa 3.6 magnitude ang lindol ngunit tatlong kilometro lamang ang lalim ng lupang gumalaw kaya ramdam ito sa Catigbian at Maribojoc sa Bohol.
Nakaramdam din nang malakas na pagyanig ang mga residente mula sa mga bayan ng San Isidro, Tubigon, Calape, Balilihan, Loon Antequera at Cortes.
Batay sa coordinates na inilabas ng Phivolcs, ang sentro nito ay nasa 28 kilometro sa hilagang silangan ng Tagbilaran City o nasa bahagi ng bayan ng Catigbian.
Nakaramdam ng intensity 4 sa Tagbilaran City at Loboc, habang sa Mandaue City, Cebu ay naramdaman ang lakas na intensity 3.