Monday , December 23 2024

Kawawa si Erap

No weapon forged against you will prevail, and you will refute every tongue that accuses you. This is the heritage of the servants of the Lord, and this is their vindication from me declares the Lord.—Isaiah 54:17

PORMAL nang ipinasa ng Manila City Council ang isang ordinansa ng pagtataas ng amilyar na aabot sa 100 porsiyento.

Sinang-ayunan ito ng mayorya sa Konseho na pinangunahan niEdward Maceda IV bilang acting presiding officer. Si Councilor Bernie Ang ng 3rd District ang siyang pangunahing sponsor ng naturang ordinansa.

***

IBIG sabihin ang mga nagbabayad ng P1,000 noon sa amilyar ay magiging P2,000 na at ang mga nagbabayad din ng P1M ay magiging P2M o doble ang babayaran nilang amilyar sa city hall.

Ikinatwiran ni Councilor Ang na sa ganitong paraan lamang umano upang makalikom ng salapi ang Lungsod bilang panggastos sa mga proyektong nais ng Pangulong Erap Estrada sa Maynila.

LEARN FROM THE PAST

DAPAT matuto sa nakaraan ang mga nagpanukala nito. Nakakalimutan na kaya ng mga deputado natin sa City Council na noong 2004 nang pumayag sila sa kagustuhan ni dating Mayor Lito Atienza na itaas ang 300 porsiyento ang buwis ay pumalag ang maraming negosyante, kabilang ang Coca-Cola Philippines, Unilever at iba pa.

Kinuwestyon ito hanggang katigan ng Korte Suprema ang mga negosyante at ideklarang null and void o ipinapawalang-bisa ang ginawang pagtataas ng buwis sa Lungsod. Nagdesisyon pa ang SC ng tax refund mula nang ipatupad ang naturang pagtataas.

***

NAGDUSA rito si Mayor Alfredo Lim na siyang pinalitan ni Atienza noong 2007. Sa utos ng SC, ibinalik ni Mayor Lim ang naunang ibinayad ng mga negosyante sa panahon ni Atienza na umaabot sa daang milyong piso. Pumayag na lamang ang malalaking negosyante sa alok na tax credits, imbes na tax refund na cash dahil maaring ikasaid ito ng kaban ng Lungsod.

Subalit sa kabila ng kakapusan sa pondo, hindi nawalan ng pag-asa si Mayor Lim, nakagawa pa rin siya ng mga makabuluhang proyekto sa Maynila.

***

NAKAPAGPATAYO pa ng dalawang ospital si Mayor Lim — ang Sta. Ana Hospital sa District 6 at Jose Abad Santos Hospital sa District 3. May 12 lying-in clinics din ang nabuo sa panahon ng Alkalde.

Mayroon din 58 health centers ang naitayo mula 2007 hanggang 2013. Nagpatuloy ang free tertiary education sa Universidad de Manila (UDM) at iba pang proyekto nang hindi itinataas ang buwis sa Maynila.

Hindi ba tama mga kabarangay?!

***

KAYA ang ginawang hakbangin ito ng City Council ay panibagong latay kay Pangulong Erap. Siya ang sentro ng sisi ngayon ng maraming taga-Maynila, dahil apektado ang lahat sa pagtataas ng buwis na ginawa ng Konseho.

Hindi nararapat ang pagtataas ng buwis bagkus, dapat paigtingin ang pagkolekta sa pagbabayad ng buwis at tiyakin na sa kaban ng Lungsod napupunta ito at hindi kina “Eddie.” Sino si Eddie?

E, d sila-sila!

KASUHAN ANG VENDOR

ORGANIZER

SA BONI SHRINE!

DAPAT palang makasuhan ang organizer sa paglalagay ng mga paninda d’yan sa Bonifacio Shrine.

Kung pagbabasehan ang pahayag ng National Historical Institute (NHI) pasok ang grupo ni Rod de Jesus sa paglabag saPresidential Decree 105 o declaring National Shrine as sacred (hallowed) places and prohibiting desecration thereof:

***

BINABOY at sinalaula kasi ang sagradong bantayog ni Gat Andres Bonifacio sa Arroceros nang maglagay sila ng sangkaterbang paninda sa buong paligid ng Bonifacio Shrine.

Base sa Presidential Decree 105:

“National Shrine and others which may be proclaimed in the future as national shrine to be hallowed places and the desecration of the same in the form of disturbing their peace and serenity by digging, excavating, defacing causing unnecessary noise and committing unbecoming acts within the premises of said national shrines, is hereby strictly prohibited.”

***

MAY kaukulang kulong at multa na dapat ipataw sa mga lumalabag sa Presidential Decree 105. Nakasaad sa batas na:

“Any person who shall violate this decree shall upon conviction, be punished by imprisonment for not less than ten (10) years or a fine of not less than ten thousand pesos (P10,000) or both fine and imprisonment in the discretion of the court or tribunal concerned.”

***

KAPAG nagkataon, isang magandang regalo ito para sa ika-150 taon kapanganakan ng ating kinikilalang “Unang Pangulo” ng Pilipinas sa darating na Nobyembre 30.

Tiyak magsisigaw si Bonifacio na gaya ng ginawa niyang unang sigaw sa Balintawak pero ibang litanya na ang kanyang sasambitin:

Rebolusyon, litisin ang mga corrupt!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *