ANG feng shui ay tungkol sa enerhiya, ang liwanag ang strongest manifestation ng enerhiya. Sa katunayan, ang liwanag sa inyong bahay– natural man o artificial lighting – ay labis na naka-aapekto sa kali-dad ng inyong home energy. Ang smart lighting at good quality air ang pinaka-basic ng good feng shui, at dapat na pala-ging nangunguna sa inyong feng shui prio-rities para sa ano mang espasyo, bahay man o negosyo.
Ang inyong katawan ay nagre-react sa lahat ng bagay sa inyong paligid, maaari ka nitong mapasigla o sasairin ng enerhiya sa inyong paligid. Dapat ma-ging mulat sa kalidad ng liwanag sa inyong bahay o opisina at sa impluwensya nito sa inyong kalusugan at kagali-ngan.
Ang liwanag ang ating pangunahing sustansya at tinaguriang medisina ng hinaharap. Maging ugali ang pagtutuun ng pansin kung gaano kagaling ang kalidad ng liwanag sa buong araw, gayundin sa kalidad at bilang ng indoor lights sour-ces sa inyong bahay o opisina.
Lady Choi