AMINADO si Marikina Rep. Miro Quimbo na ikinalungkot ng mga mambabatas ang pagbasura ng Supreme Court sa pork barrel system, ngunit binigyang-diin niya na wala itong kinalaman sa pagliban ng maraming kongresista sa nakaraang mga sesyon.
Nitong nakaraang linggo, maraming bakanteng mga upuan sa plenaryo makaraang lumabas ang ulat kaugnay sa desisyon ng SC.
Ipinaliwanag ni Quimbo gayunpaman, nag-aalala ang mga mambabatas kung paano haharapin ang kanilang mga nasasakupan na nakadepende sa kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) para sa scholarships at medical assistance.
“Very troubled ang marami sa aming colleagues. Importante na magkaroon ng sistema… Walang kinalaman sa attendance, dahil dati pa namang minsan walang attendance,” pahayag ni Quimbo.
“Nagsalita na ang Korte Suprema. Ang apela natin ay for 2013, maraming scholars. Ang apela natin, sana masalo. Hindi na importante na umepal pa ang mga kongresista. Importante maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, kailangan masalo sila.”
“Nagsalita na ang Korte Suprema. Ang apela natin ay for 2013, maraming scholars. Ang apela natin, sana masalo. Hindi na importante na umepal pa ang mga kongresista. Importante maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, kailangan masalo sila.” (HNT)