BINATIKOS ni Senadora and Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) bunsod ng kawalan ng kahandaan sa pagtugon sa sakuna katulad ng pagsalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban at Leyte.
Ayon kay Santiago, kailangang matiyak ng dalawang ahensya ng pamahalaan ang pagpapanatili ng peace and order situation sa naturang lugar na naging talamak ang nakawan sa relief goods.
Tinukoy ni Santiago na mayroong ibang mga bilanggo na nakawala ang sangkot sa rape cases na lubhang nakatatakot para sa mga mamamayan.
Sinabi pa ni Santiago, dapat ding matiyak ang kaligtasan ng bawat nasalatang residente at makampanteng sila ay ligtas sa kanilang pamamahinga sa gabi.
(NINO ACLAN)