Friday , November 15 2024

Senator Enrile, ‘guru’ ng P10-B pork barrel scam, destabilization

Si SEN. JUAN PONCE-ENRILE ang itinuturong utak sa panggagahasa sa kaban ng bayan, partikular ng P10-B pork barrel scam sa Senado at mga destabilisasyon.

Matapos ang mahigit apat na dekada sa gobyerno, walang mag-aakala na ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III ang magtutuldok sa bisyo ni Enrile na lustayin ang pera ni Juan dela Cruz.

“The repetitious but unwarranted designation by Sen. Enrile of Mrs. Napoles’ NGOs and his eventual receipt of kickbacks through a representative by itself shows an implied conspiracy. Mrs. Napoles and Senator Enrile operated their pork enterprise as if the hideous scheme was their regular business,” ayon sa memorandum ni Assistant Ombudsman Joselito P. Fangon na batay sa imbestigasyon ng isang investigative team ng Ombudsman hinggil sa P10-B pork barrel scam.

Natural na hindi papayag basta-basta sina Enrile, Sens Jinggoy Estrada at Bong Revilla na makasuhan ng plunder at makulong, kaya inaasahan na ang pagbuwelta nila sa administrasyong Aquino at isa sa maaaring ikasa ng pangkat ng pork barrel scammers ay maglunsad ng destabilisasyon.

Kabilang sa indikasyon ng kanilang destabilisasyon ay nang mag-privilege speech si Jinggoy para siraan ang Disbursement Acceleration Program (DAP) at nang buhayin ng kanyang amang convicted plunderer na si Erap ang  isyu ng 2010 Luneta hostage crisis para muling uminit ang alitan ng Pilipinas at China at mailihis ang atensiyon ng publiko sa P10-B pork barrel scam.

Pangunahin kasing target ng destabilisasyon ay ikondisyon ang isip ng publiko sa mga usaping nais papaniwalain sila o “ground softening.”

Puwedeng magbayad sila sa alinmang survey firm para palabasin na ang administrasyong Aquino ang pinaka-corrupt na gobyerno mula noong EDSA People Power 1 dahil sa DAP.

Asahan na rin na mag-iikot sila sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda at maglunsad ng mga proyekto para sa mga biktima ng bagyo na nagdadagsaan sa Metro Manila, sa layuning ‘i-reconnect’ ang kanilang impluwensiya sa masa upang makakuha ng simpatiya sakaling kailangan na ng taong pasasamahin nila sa ilulunsad na kilos-protesta kapag lumabas na ang warrant of arrest laban sa pork barrel scammers.

Sa laki ng kanilang kinita bilang mga mambabatas, mani na lang sila magbayad sa mga tiwaling mamamahayag o magpa-anunsiyo ng buong pahina sa iba’t ibang pahayagan para magbulgar pa ng ‘baho’ ng Malakanyang, bukod pa sa isasagawang privilege speech ng sino man sa kanilang tatlo para patindihin ang pagbatikos laban sa administrasyon.

Sa yugto naman ng kanilang  “target hardening” ay posible rin i-maximize ang tunggalian mga paksiyon sa administrasyong Aquino (Balay Group ni Interior Secretary Mar Roxas at Samar Group ni Executive Secretary Jojo Ochoa)  para makakuha ng kakampi sa administrasyon, sa ambisyong humantong ito sa “withdrawal of support” ng mga miyembro ng gabinete kay PNoy.

Habang may gagapang naman sa ilang adbenturistang military para sa “military component” ng destabilisasyon.

At siyempre pa, hindi mawawala ang pagpapakawala nila ng pera sa mga militanteng grupo para umayuda sa pagpapahina ng gulugod ng administrasyong Aquino para makapag-produce sila ng “critical mass” na magsasagawa ng kaliwa’t kanang rally kapag umusad na sa Kongreso ang impeachment case laban kay PNoy, dahil wala naman pakinabang ang mga mambabatas sa Palasyo, sa pagiging unconstitutional ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) na dati nilang tinatamasa.

Kapag nagkataon at makalusot ang maitim na balak na ito, walang ibang makikinabang riyan kundi ang gusto nilang ipalit kay PNoy sa Palasyo na si Vice President Jejomar Binay,  na mahigpit na kaalyado ng sentensiyadong mandarambong na si Erap at mga akusado sa pandarambong ng P10-B pork barrel na sina Enrile, Jinggoy at Bong.

Ang magiging suma total, iaabsuwelto ni Binay ang mga mandarambong at magpapatuloy ang panggagahasa nila sa kaban ng bayan kaya’t lahat ng pagsusumikap ng sambayanang Pilipino para burahin ang korupsiyon sa ating bansa ay mababalewala.

Kaya ang payo natin, kung talagang may malasakit tayo sa bayan, huwag na huwag magkakamaling maniwala sa mga naglipanang bulaang propeta mula sa bakuran ng United Nationalist Alliance (UNA).

“KATAPAT” SA RADIO DWBL

UGALIING makinig sa walang katulad na balitaktakan ng mahahalaga at napapanahong isyu sa programang ‘KATAPAT’ sa Radio DWBL (1242 Khz.), 11:00 pm – 12:00 mn, Lunes hanggang Biyernes, kasama sina Jerry Yap, Rose Novenario, Jograd dela Torre, Peter Talastas at ang inyong lingkod.

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *