Friday , November 15 2024

Lalong sasambahin ng mambabatas si P-Noy

DAHIL wala nang pork barrel ang mga mambabatas, matapos ideklara ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang kanilang inimbentong priority development assistance fund (PDAF), tiyak na lalong sasambahin ng mga mambabatas si Pangulong Noynoy Aquino.

Bakit? Kasi si P-Noy nalang ngayon ang may pork barrel. Opo! Daan daang bilyon ang pork ng ating Pangulo, ang kanyang President’s Special Fund (PSF), bukod pa sa kanilang inimbentong Disbursement Acceleration Program (DAP) na si P-Noy lang ang puwedeng magpa-release sa kung sino ang gusto niyang bahaginan.

Kaya lalong sisipsip ngayon kay P-Noy ang mga kongresista’t senador.

Ang kawawa rito ay ang mga taga-oposisyon, tiyak nganga sila hanggang matapos ang termino ni P-Noy sa 2016. Hahaha…

Mga senador

‘missing in action’

pag may kalamidad

– Mr. Venancio, panagawan ko lang po sa mga magigiting at kagalang-galang na mga senador na tulungan nyo po ang mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda. Mukhang missing in action kayo at never heard mga pangalan nyo sa mga nagbigay ng tulong o ayuda sa mga biktima ng bagyo, lalo’t higit po yung mga senador na nabiyayaan ng P50-M galing sa DAP ni P-Noy. Maawa po kayo na tulungan at bahagian ang mga apektadong lugar para  sa rehabilitation at pagbangon muli nila sa sinapit na kalamidad. Marami na sa kanila ang nagugutom at nauuhaw. Hihintayin pa ba natin sila mangamatay sa gutom? Maawa naman po kayo sa kanila. Maraming salamat po. – 09322751185

May mga senador naring namigay ng relief goods sa Leyte, sina Jinggoy Estrada at Bong Bong Marcos.

Talamak ang bentahan

ng shabu sa Brgy. 391

(Lepanto, Manila)

– Report ko lang po sana ang talamak na bentahan  ng shabu sa Brgy. 391 Zone 40 sa Bilibid Viejo st. kanto ng Lepanto, Quiapo, Maynila. Nakikita po namin mga estudyante na dumaan dito ang bentahan ng shabu. Sana maaksiyunan ito ni Mayor Erap at ng pamunuan ng MPD. Salamat po. – 09289549…

Sakop ito ng MPD-PS3. SPO4 Robles, aksyon!

Mga lugar sa Leyte na hindi

pa inaabot ng tulong

– Panawagan po sa ating gobyerno. Sa Barangay Lemon, Capoocan, Leyte ay wala pang nakararating na tulong mula sa gobyerno. Wasak na wasak din po ang barangay na ito ng nagdaaang bagyong Yolanda. Sana makarating din dito ang pinamimigay na relief goods. Salamat po. – 09064688150

Tanda, Pogi at Sexy i-donate nyo raw sa Yolanda victims mga ninakaw nyo!

– Mr. Venancio, dasal ko po sana ay makonsensya ang mga mambabatas na sangkot sa P10-billion pork barrel scam na pinangungunahan nina Tanda, Sexy at Pogi at Janet Napoles na sana kahit kalahati manlang ng ninakaw nila ay i-donate nila sa mga biktima ng delubyong Yolanda. – 09153961…

May mga nangongotong

pa rin under orange

at green tents sa Divisoria

– Mr. Venancio, report po namin ang maraming nangongotong dito sa Divisoria. Ang sabi po ni Mayor Erap wala nang kotong sa amin mga vendor. E kahit na po meron tent na green at orange may mga nag-iikot parin na mga pulis, mga taga-Stn 11. Ano pa ang saysay ng pinalagay nilang tents kung patuloy parin kaming nakokotongan ng mga pulis at kung sinu-sinong mga taga-city hall. Sana maaksiyunan agad ito ni Mayor Erap para hindi na lumaki ang ulo ng mga nangongotong dito. Salamat po, Mr. Venancio, ikaw nalang pag-asa namin para maparating sa itaas ang mga hinaing namin. Wag nyo po ilabas numero ko. – Divisoria vendor

NPA nagtutulong sa relief

operations sa Leyte

– Mr. Venancio, text ito ng anak ko mula sa Leyte: “NPA ang nagsasaayos ngayon dito ng mga patay, hiwalay mga bata, babae, lalaki, tumutulong sa mga lokal at naka-sibilyan sila. Nanghaharang sila ng ilang mga trak sa kadahilanang hindi nakararating mga relief goods sa mga dapat pagbigyan. News blackout lang yan. Hindi nila  inaamin yan sa TV, radyo at atbp. – Mr. Virgio ng Bicutan, Taguig

May umiiral po na ceasefire sa pagitan ng NPA at AFP. Kaya malayang tumulong sa relief operations ang mga rebelde. At sana ay forever na ang tigil-putukan at magbalik-loon na sa gobyerno ang ating mga nagrebeldeng kababayan dyan sa Visayas.

Tubusan ng lisensya sa Manila

City Hall usad-pagong!

– Mr. Venancio, report lang namin itong tubusan ng lisensya sa Manila City Hall, ang tagal nila mag-release… inaabot ng maghapon bago makuha ang lisensya. Nagkanda-gutom kami sa kahihintay imbes na makapaghanapbuhay na sana. Sana mapaaksiyunan ito ni Mayor Erap. – 09098790…

REAKSYON at RaEKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *