Friday , November 15 2024

Mel Tiangco Kapuso Foundation namimili ng donasyon?

00 Bulabugin JSY

AYAW nating tawaran ang KREDIBILIDAD ni Madam Mel Tiangco (pasintabi po) kung charity work ang pag-uusapan.

Ilang panahon din naman nating nakita kung paano niya ipinakita sa MADLA ang kanyang KAPUSO charities …

Nadesmaya lang tayo nang marinig natin sa kanya na itigil na raw ang pagpapadala ng mga damit at tubig para sa mga kababayan nating sinalanta ng super bagyong Yolanda sa Leyte, Samar, Iloilo at Capiz kasi masyado na raw marami.

Sapat na raw ‘yun.

Pero nagulat tayo nang isunod niya na open pa sila para sa mga CASH DONATIONS …

Ngek!!!

Ano ba ‘yun?!

‘Yun tubig at damit sapat na raw…pero ang CASH ay hindi pa pala sapat!?

E kung sobra-sobra na ipatigil na lahat pati CASH DONATIONS.

Hindi ‘yung parang namimili pa kayo kung anong donasyon lang ang tatanggapin niyo.

Ay sus naman!

Madam Mel, huwag po nating tawaran kung ano ang kayang itulong kahit ng pinakamaliit nating mga kababayan.

Baka nalilimutan po ninyo ang kwento ng BIYUDA at MAYAMANG NEGOSYANTE sa Biblia.

Higit na pinahalagahan ni Jesus ang sentimong ipinagkaloob ng Biyuda kaysa malaking halagang ibinigay ng negosyanteng mayaman.

Kahit na po isang boteng tubig lang ‘yan o isang kilong bigas na kailangang-kailangan ng isang tao pero taos-puso niyang ibinigay para makatulong sa mga nasalanta nating kababayan ‘e napakalaking bagay na n‘yan.

Uulitin ko lang po, Madam, huwag po ninyong tatawaran ang ano mang nakayanan ng mga nais makatulong.

Period.

PARAÑAQUE PCP 1 AT TANOD PAHIRAP SA BACLARAN VENDORS

HIRAP na hirap makatagos sa ibaba ang PERMISO ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez na payagan ang mga vendor na makapagtinda sa Redemptorist Road d’yan sa Baclaran, Parañaque City.

S’yempre, para sa diwa ng Kapaskuhan, naiintindihan ni MAYOR ang pangangailangan ng mga vendor. Kaya nga matapos maipaabot sa kanya ang kahilingan ng mga vendor na makapagtinda sa Baclaran ay pumayag na siya.

Ang mga vendor ay binigyan ng special permit ng Office of the Mayor at nagbayad ng halagang P2,000 sa Parañaque Business Permits and Licensing Office (BPLO).

At pagkatapos no’n dapat ay pwede na silang maglatag ng kanilang paninda sa Baclaran.

Pero nadesmaya ang mga VENDOR.

Kasi nang maglatag sila … heto na, may ipinadalang TANOD ang barangay at sila ay hinihingan pa ng barangay permit at sinisingil ng kung ano-ano pa.

Kasunod ng  TANOD, inikutan din sila ng mga pulis na nagpapakilalang taga-PCP 1 sila under Chief Insp. ROLLYFER CAPOQUIAN.

Aba, ang linaw sa resibo mula sa BPLO ng Parañaque City na ang ibinayad nilang P2,000 ay para sa Oktubre 27 hanggang Nobyembre 27, 2013, pagkatapos biglang mayroon pang ibang naniningil?!

Barangay Chairman Don Don Cailles, alam mo bang walang pahinga ang pag-iikot ng mga barangay tanod mo sa mga VENDOR NG BACLARAN?!

At hindi lang ‘yan, HILAHOD na rin sila sa mga LESPUNG KOTONG ni MAJOR ROLLYFER CAPOQUIAN.

Gaya n’yan, isang linggo na lang ang natitira sa binayaran nilang special permit sa halagang P2,000, pero mukhang hindi pa sila nakababawi dahil sa mga KOTONG na barangay tanod at lespu ni Capoquian.

Mayor Edwin Alvarez Sir, SAKLOLO!

BOOKIES FRONT NG SHABU

ISANG building ang sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Ang unang ulat na natanggap ng NBI ay BOOKIES pero nang kanilang mapasok ang loob ng building ay natagpuan daw nila ang ‘undetermined amount’ of shabu, high powered firearms, at permit to carry firearms documents.

Ang pagpapa-RAID sa nasabing building na umano’y pag-aari ng isang dating konsehal ng Maynila ay request DAW ni Erap?

Sa katunayan, mabilis pa nga raw sa alas-kwatro na nakarating sa nasabing lugar si Erap.

Aba e dapat na rin isunod ng NBI ang iba pang matunog na matunog na teritoryo ng mga gambling lord sa Maynila.

E hindi lang butas ng BOOKIES ‘yan. Baka pabrika na rin ng shabu ‘yan!

Pakitanong lang po kay Manila bookies king Bong Abang at bookies queen Edna/Enteng Rosario!

MGA BAGMAN NAGLIPANA PA RIN SA MPD HQ!? (ATTN: MPD DIID P/SUPT. AMOR TULIAO at MPD DG ISAGANI GENABE)

USAP-USAPAN ng mga pulis sa MPD HQ na may mga tingga ‘este’ dating tauhan ng Manila Police District (MPD) – SOU o Special ‘Orbit’ Unit na patuloy pa rin sa pangongolekta ng TARA y TANGGA mula sa mga ILEGALISTA gaya ng mga gambling lord, clubs at sa mga pobreng vendors sa lungsod ng Maynila.

Ang lider daw ng grupo ay isang alyas Major CAWATAN at ang kanyang dalawang itlog na sina alyas RO-AHAS at DAKWAL.

Alagang-alaga nga raw nila ang dalawang sikat na gambling lord sa Maynila na sina BOY ABANG at EDNA ROSARYO/ENTENG.

Alam mo ba MPD DG Gani Genabe, na ipinamamalita pa ng tropang orbit na ito na mga ‘bata-batuta’ mo raw sila!?

Anyway, maniniwala lang ako na wala kang kinalaman sa pangongotong nila Gen. Genabe kung KAKALUSIN mo ang tatlong bugok na ‘yan sa iyong teritoryo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *