Sunday , December 22 2024

Aid ‘pag di ipinamudmod LGUs kakasuhan — DSWD

BINEBERIPIKA ng Department of Social Welfare and Development ang mga ulat na may apat na bayan sa Leyte ang hindi namamahagi ng relief supplies sa mga biktima ng bago bunsod ng kakulangan sa truck at gasolina.

Ang nasabing mga bayan ay ang Dulag, Mayorga, MacArthur at Javier.

Sinabi ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman, ang bayan ng Javier ay may sariling paraan ng pamamahagi ng relief goods. Aniya, nangako ang mga alkalde ng Mayorga at MacArthur kay Local Government Secretary Mar Roxas kamakalawa na kokompletuhin nila ang distribusyon ng relief goods.

Aniya, hindi maaaring gawing excuse ng local government ang mababang fuel supply dahil nagbukas na ang ilang gas stations.

“Bukas na po ang mga gasoline stations sa Palo at dito sa Tacloban kaya pwede sila bumili. Kung hindi, pwede sila makipag-ugnayan sa Task Force Yolanda para magiging tuloy tuloy ang pagkuhan ng fuel. Bakit ibang munisipyo nakakakuha ng fuel? Mayroon pong paraan kung gusto talaga,” diin ni Soliman.

Nagbabala si Soliman na kakasuhan ang local officials na nagpapabaya sa mga munisipalidad na apektado ng super bagyong Yolanda.

“Pwede po sila makasuhan. In an emergency, local government units ang first responder. Ang national pangdagdag lang. Binibigyan tulong sila. Di nila ginagawa ang dapat gawin. Si Secretary Mar nag-iikot, may mga nagsasabi di pa sila nakakatanggap bagama’t sa aming record nakatanggap na ang munisipyo,” aniya pa.

BIBLIA, ROSARYO SA CBCP RELIEF PACKS

TUMANGGAP ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ng mahigit 12,000 rosaries at 10,000 scapulars na donasyon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para ipamahagi sa mga survivor ng super typhoon Yolanda sa Eastern Visayas.

Ayon sa CBCPNews report, ang religious articles ay mula kay Jocelyn Bernina, staff member ng John Aboitiz Carcovich through God the Father Foundation, Inc.,  kaibigan ni CBCP Media Office director Msgr. Pedro Quitorio III.

Nitong nakaraang linggo, ang pro-life prayer support group na ‘Rosary for Life’ ay nag-donate sa CBCP ng initial 3,000 rosaries kasunod ng 10,000 karagdagan.

Umabot sa 19,000 rosaries ang nai-donate na isasama sa relief packages para sa Yolanda victims.

Tinataya namang 1,000 copies ng Tagalog Bibles mula sa Episcopal Commission for the Biblical Apostolate (ECBA) ang ipinadala sa mga apektado ng bagyo.

Ayon kay Dr. Natividad Pagadut, ECBA executive secretary, ang mga bibliya ay upang matulungan ang mga survivor ng bagyo na muling bumangon at mapalakas ang pananampalataya.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *