Sunday , December 22 2024

5 broker swak sa smuggling

SINAMPAHAN ng kasong smuggling sa Department  of Justice (DoJ)  ng Bureau of Customs  (BoC)  ang limang broker  na nagpuslit ng bawang,  sibuyas at mansanas na nagkakahalaga ng P16.5-M, iniulat kahapon.

Ayon kay Customs commissioner Ruffy Biazon, kinasuhan ang may-ari ng Silver Glade Enterprises na si Marcelo N. Gomez at Customs broker na si Ian Christopher Miguel, sa tangkang pagpapalusot ng forty-footer container van ng bawang mula China na walang permiso sa Bureau of Plant Industry (BPI), nagkakahalaga ng P2-M, nang idating sa Port of Manila, nitong Oktubre 3 (2013).

Inasunto rin ng BoC   si Alejandro M. Santos, may-ari ng Elusive Quality Tra-ding  at si Customs broker Christopher Miguel, sa tangkang pagpapalusot ng 20-footer container van  ng sibuyas galing China, nagkakahalaga ng P2-M at duma-ting sa Port of Manila noong Oktubre 2 (2013) na wala rin permit sa BPI.

Kinasuhan din si Melinda U. Tan, may-ari ng DMT Marketing sa tangkang  pag-smuggle ng anim forty-footer container vans ng mansanas mula China, nagkakahalaga ng P12.5-M.

Walang pahintulot sa BPI ang hot apple shipment ni Tan nang dumating sa Port of Cagayan De Oro, nitong Oktubre 30 (2013).

Ang pagsasampa ng kaso sa DoJ ay pinangunahan ni Customs Deputy Commissioner for Revenue Collection and Monitoring Group Maria Edita Tan.

(BONG SON/LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *