SUNUD-SUNOD ang nakawan ng sasakyan sa Lungsod ng Maynila sa nakalipas na 24-oras, iniulat kahapon.
Sa ulat, naitala ang unang insidente ng carnapping sa pagitan ng 12:30 hanggang 5:00 ng madaling araw kamaka-lawa (Nobyembre 20).
Nakaparada umano sa tapat ng NTC building sa Nepomuceno St., Qu-iapo, ang Isuzu NKR (CKS-286), pag-aari ni Paul John Velasco, 33, ng Don Gregorio St., Quezon City, nang tangayin ng hindi nakilalang suspek.
Sa pagitan naman ng 7:00 hanggang 8:30 ng gabi, tinangay ng kawatan ang Yamaha Mio ni Jenina Bacani, 19, ng 2276 Luzon St., Sampa-loc, na nakaparada rin sa harap ng NTC building, Nepomuceno St., sa na-sabing lugar.
Dakong 8:30 ng gabi, nawala sa harap ng 1516 Laguna St., Sta Cruz, ang Yamaha Sniper (9867-NN). Melchor Lopez, 42.
(leonard basilio)