NAKAHANDA nang tumalima ang Philippine government sa demand na “apology” ng mga kaanak ng mga biktima sa madugong 2010 Manila hostage-crisis na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals.
Ayon sa ulat ng RTHK, mismong si Cabinet Secretary Jose Rene Almendras ang nagpahayag na pinag-aaralan na ng gobyerno ang mga kahilingan, kabilang ang paghingi ng paumanhin sa mga biktima.
Nitong nakaraang mga linggo, naging “overwhelming” ang boto ng Hong Kong lawmakers sa panukalang pagpataw ng economic sanctions laban sa Filipinas, kaugnay sa nangyaring hostage-crisis.
Ayon kay Hong Kong leader Leung Chun-ying, dapat gumawa ng konkretong hakbang ang Philippine government sa madaling panahon. (HNT)