Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P50-M heavy equipments sinilaban sa Zambo Norte

ZAMBOANGA CITY – Umaabot sa mahigit P50 milyong halaga ng mga heavy equipment ang sinilaban ng armadong grupo sa isang construction site ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Sitio Gutay, Brgy. Titik, Sindangan, Zamboanga del Norte.

Napag-alaman ng Sindangan municipal police station mula kina Engr. Cris Rodrigo Cuizon ng ESR Construction Supply, at Engr. Arnold Mocorro Mantiza ng DPWH, dakong 4 p.m. kamakalawa habang abala sila sa kanilang ginagawa sa construction site, nang lumitaw ang hindi bababa sa 20 armadong suspek kabilang ang apat kababaihan.

Tinutukan sila ng matataas na kalibre ng baril at inutusang ihinto ang kanilang trabaho.

Kasunod nito, binuhusan ng gasolina ang kanilang mga heavy equipment saka sinilaban.

Kabilang sa mga sinunog ng armadong grupo ang dalawang bulldozer, isang backhoe at isa pang military jeep.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …