Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

7 anak, misis ini-hostage mister arestado

LEGAZPI CITY – Bunsod ng problema sa pamilya, ini-hostage ng isang lalaki ang kanyang pitong mga anak at kanyang misis sa Naga City kahapon.

Tatlong oras na naki-pagnegosasyon ang mga tauhan ng Naga City PNP at mga barangay officials para mapasuko si Jonesto Estipani sa Brgy. Concepcion Pequina.

Ayon kay Naga City Police chief, Senior Supt Jose Capinpin, bigla na lamang nagwala ang suspek at ikinulong ang kanyang pitong mga anak at ang kanyang misis.

Anya, ini-lock pa ni Estipani ang lahat ng mga bintana at pintuan para huwag makalabas ang kanyang mga anak na ang pinakapanganay ay nasa edad 11-anyos.

Ilang beses tinutukan ng kutsilyo ng suspek ang mga anak at misis para tumahimik at makinig lamang sa kanyang mga hinanakit.

Eksaktong 11:15 a.m. nang tuluyang makalusot ang mga awtoridad sa likod bahay hanggang  tuluyang maaresto ang suspek.

Wala namang napa-ulat na nasugatan sa mga anak at misis na ngayon ay nasa pangangalaga na ng DSWD.

(BETH JULIAN/JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …