Monday , November 25 2024

Pork Barrel unconstitutional

112013_FRONT

IDINEKLARA ng Supreme Court kahapon bilang unconstitutional ang controversial pork barrel fund o Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas.

Ipinunto rin ng High Tribunal na illegal ang mga probisyon sa dalawang batas na nagpapahintulot sa Pangulo na gamitin ang Malampaya Fund at President’s Social Fund sa mga layuning hindi kasama sa mandato para sa nasabing mga pondo.

Ang boto laban sa PDAF ay 14-0, ayon kay Supreme Court spokesman Theodore Te. Hindi naman bomoto para sa nasabing kaso si Associate Justice Presbitero Velasco, Jr., dahil ang kanyang anak ay isang congressman. Ang ponente, o sumulat sa desisyon, si Associate Justice Estela Bernabe, appointee ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sa nasabing desisyon, ipinatigil ng korte ang pagpapalabas ng pera mula sa Malampaya fund na hindi para sa energy projects at mga aktibidad na hindi kaugnay sa enerhiya. Inalis ng korte ang katagang “and for such other purposes as may hereafter be directed by the President,” na nakasaad sa Presidential Decree 910, o batas na basehan ng gobyerno sa paggamit ng revenue mula sa national resources katulad ng gas.

Ipinahinto rin ng mga mahistrado ang pagpapalabas sa bahagi ng President’s Social Fund na gagamitin “to finance … priority infrastructure development projects,” ayon sa nakasaad sa Presidential Decree 1869.

Sinabi ng korte na tinanggal nila ang nasabing bahagi ng dalawang batas “for failing the self-sufficient standard test in violation of the principle of non-delegability of legislative power.”

Iniutos din ng korte sa lahat ng mga prosecutor na imbestigahan at litisin ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno at pribadong indibidwal “for possible criminal offenses related to the irregular, improper and/or unlawful disbursement/utilization of funds under the Pork Barrel System.”

Bunsod nito, ang nalalabing 2013 PDAF gayon din ang bahagi ng PSF at Malampaya funds na idineklarang unconstitutional ay ibabalik sa national treasury.

HATAW News Team

SC DECISION SA PDAF MOOT NA — DRILON

ITINURING na moot and academic ng liderato ng Senado ang naging kapasyahan na Korte Suprema na unconstitutional ang kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, nagpasya na ang mga senador na hindi na gamitin ang kanilang pork barrel.

Magugunitang mula nang mabulgar ang kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel scam ay hindi na ginamit ng mga senador ang kanilang natitirang pork barrel para sa taon 2013.

Nabatid na umabot sa 15 miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang nagdesisyon na burahin na rin sa 2014 national budget ang kanilang pork barrel.

“The highest court’s decision is moot and academic in so far as the Senate is concerned, as the senators have already waived their use of the remaining PDAF for 2013. Also, a majority of the senators, at least 15 of us, have already decided to fully delete the PDAF in the 2014 budget, which in effect will lower the country’s budget deficit pegged at P266.2 billion,” ayon kay Drilon.

(CYNTHIA MARTIN)

Kahit deklaradong unconstitutional
P14.5-B PDAF IGIGIIT NG PALASYO

KAHIT idineklara na ng Korte Suprema kahapon ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na labag sa Konstitusyon, igigiit pa rin ng Palasyo na magastos ang natitirang P14.5 bilyong PDAF sa taong kasalukuyan.

Ayon kay Budget Secretary Florencio Abad, Jr., irerekomenda niya kay Pangulong Benigno Aquino III na magsumite ng panukalang supplemental budget sa Kongreso at sertipikahan ito bilang urgent para magugol ang P14.5 bilyon PDAF para sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

“I will recommend to the President that we submit one, together with a certification of urgency,” ani Abad hinggil sa isyu ng supplemental budget.

Sa kasagsagan ng P10-B pork barrel scam ay naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court para pigilan ang paglalabas ng Department of Budget and Management sa natitira pang P14.5 bilyong PDAF ngayon taon.

Iginagalang naman ng Palasyo ang pasya ng Kataas-taasang Hukuman na nagbabawal sa paggamit ng kontrobersyal na Malampaya Funds sa mga proyektong walang kaugnayan sa enerhiya.

(ROSE NOVENARIO)

REALIGNMENT NG PDAF LUSOT SA KAMARA

MABILIS na naipasa sa Kamara ang resolusyon na nagpapa-realign sa natitirang pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga kongresista sa calamity at rehabilitation fund.

Halos P12 bilyon pa ang halagana magagamit para matulungan ang mga sinalanta ng bagyong Yolanda.

Ngunit ang natitirang pork barrel ngayon 2013 ay idineklara nang unconstitional ng Korte Suprema.

Ayon kay House Speaker Feliciano Bemonte, kapag idineklara ng Supreme Court na unconstitutional ang pork barrel ay posibleng dumiretso ang pondong ito sa national treasury.

Kapag nangyari ito, kakailanganin magpatibay ng joint resolution o kaya ay panukalang batas ang Kamara at Senado para mai-realign ang pondo.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *