AYON sa ulat ng United Nations Office for Coordination of Humanitarian Affairs (UNOCHA) ay milyon pa rin sa ating mga kababayan ang hindi pa nakatatanggap ng tulong kahit mahigit na isang linggo ang nagdaan matapos salantain ng bag-yong si Yolanda ang Central Viasayas.
Tinatayang aabot sa mahigit na dalawang milyon ang hindi pa nakatatanggap ng tulong na pagkain. Ito ay patunay na kulang kundi man talagang walang kahandaan ang kasalukuyang administrasyong Aquino na harapin ang trahed-yang tulad ni Yolanda.
Ang kulang o kawalang kahandaang ito ay mas malaking trahedya kaysa dala ni Yolanda. Kahit papaano si Yolanda ay bunga ng ngitngit ng kalikasan samantala ang trahedyang dala ng mga nasa poder ay resulta ng kriminal na kapabayaan.
* * *
Bagamat medyo huli na ay mabuti naman at naisip na rin sa wakas ni Pangulong Benigno Si-meon Aquino III na makipag-usap sa alkalde ng Lungsod ng Tacloban na si Alfred Romualdez. Inaasahan natin na mula ngayon ay magiging maayos na ang koordinasyon sa pagpaparating ng mga relief goods sa nasalantang lungsod.
* * *
Huwag naman lagyan ng pangalan ng mga pul-politiko ang mga relief goods na ipinamimigay sa mga nasalanta ng bagyo. Kung hindi maiiwasan ay lagyan na lamang ito ng tatak na mula sa pamahalaan ng Pilipinas o di kaya ay ilagay na lang ang pangalan ng grupo o bansa na nagbi-gay nito.
Ang daming litrato na relief goods na kumakalat sa mga social network na may pangalan o mukha ng kung sino-sinong Ponsyo Pilato. Panahon ito ng trahedya. Huwag ninyong gamitin para sa interes ninyo…ang kapal ng mga mukha ninyo.
* * *
Ang isa pang makapal ay ang nalalalaos na Communist Party of the Philippines. Akalain ba naman na tuligsain ang mga tumutulong na pu-wersang Amerikano sa mga nasalanta ng bagyo. Nilalagyan nila ng isyung puolitikal ang isang humanitarian operation. Kahit ako ay hindi maka-Amerikano, ako ay nagpapasalamat dahil kahit papaano ay andito sila at tumutulong.
Mahirap talaga pag nabulag na ng ideolohiya ang isip. Hindi na naiintindihan kung ano ang tama o mali. Sayang ang puhunan ng mga kadreng nawala sa ginagawa ng kasalukuyang pamunuan ng CPP. Nakalulungkot na ang pagsusuri na angkop noong 1960 ay ginagamit pa rin nila sa ngayon. Para sa inyong kaalaman … 2013 na nga-yon. Hindi na ang-kop ang inyong batayang pagsu-suri na mababasa sa Philippine Society and Revolution ni Jose Ma. Sison.
Marami nang bago sa teknolohiya, mga relasyon sa pabrika … ng mga manggaga-wa’t kapitalista, magsasaka at panginoong maylupa at ultimong ang ating pagi-ging neo-kolonyal ay may bago na ring anyo. Kailangan na ng bagong pagsusuri. Ibasura na ninyo ang bulok na pamantayan at nang umusad naman kayo.
* * *
Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu ng panahon ugaliing makinig sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes alas nueve (9) hanggang alas diyes (10) ng gabi .
* * *
Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.
Nelson Forte Flores