MATAPOS po nating dalawang beses na ilabas ang TALAMAK na kaso ng pilferage sa Cebu Pacific, agad pong nakipag-ugnayan sa isa nating kaibigan ang nasabing kompanya.
Agad daw po nilang ipina-CHECK ang tatlong tirador na sina CHRISTOPHER RUFINO, JERSON GAGATIN at CHE BONILLO. ‘Yang tatlo pong ‘yan ay binansagan na ‘MATITINIK’ sa ‘ceasarian operation.’
Ang STYLE nga raw ng mga kamoteng ‘yan ay laslasin ang mga CARGO at saka muling tatapalan ng kaparehong adhesive tape. Talagang mga tirador dahil lahat ng adhesive tape ay mayroon daw sila.
Matapos i-check sina CHRISTOPHER RUFINO, JERSON GAGATIN at CHE BONILLO ay napatunayan nilang ang tatlong tirador ay EMPLEYADO nga ng MIASCOR.
Ang MIASCOR ang ground handling agency ng Cebu Pacific at iba pang airlines sa bansa. Member din umano sila ng IATA Ground Handling Council.
Ganito ang pagpapakilala ng MIASCOR sa kanilang website … “MIASCOR is a highly competent and fully equipped ground handling company with over 1,000 personnel. It prides itself with a distinctive quality service which caters to the need of its clientele in the ever dynamic aviation industry. It delivers handling professionally and efficiently to practically all types of aircraft, from executive jets to the largest and most complicated wide-bodied passenger and freighter aircraft.
“MIASCOR is the only Aviation Service Company in the Philippines that provides “One-Stop-Shop” service (i.e. ground handling, in-flight catering, customs-bonded warehouse, line maintenance and ULD assembly & repair) for incoming and outgoing international and domestic flights.
MIASCOR is the only Aviation Services Company with nationwide presence in five (5) major airports: Manila, Cebu, Clark, Kalibo, and Davao.”
Hmmmnnn … WELL SAID …
‘E ano po ang ginagawa ng mga katulad nina CHRISTOPHER RUFINO, JERSON GAGATIN at CHE BONILLO sa kompanya ninyo?!
Paano na po ‘yung mga BIKTIMANG NASIKWATAN ng tatlong tirador na ‘yan?! At ‘yung pangalan ng AIRLINES na DINUDUNGISAN nila?!
MIASCOR Ground Handling President FIDEL HERMAN REYES at General Manager RAMON MAGNO, maraming NAPERHUWISYO dahil sa kagagawan ng tatlong tao n’yo na ‘yan na sina CHRISTOPHER RUFINO, JERSON GAGATIN at CHE BONILLO.
Aba ‘e DAPAT pala hindi lang CEBU PACIFIC ang mag-ingat sa SERBISYO ng mga tao ninyo.
Dapat pala ‘e MABIGYAN na rin ng WARNING ang iba pang AIRLINES na kayo ang kakontratang ground handling operator.
Patunayan ninyo na “you are highly competent and fully equipped ground handling company …”
Ano ngang sabi ninyo?
ALWAYS COMMITTED TO SERVICES EXCELLENCE?!
Patunayan ninyo!
RAPE, NAKAWAN SA TACLOBAN DAPAT LINAWIN NG PNP AT AFP
MAYROONG mabigat na tungkulin ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para LINAWIN ang mga naglabasang KWENTO na mayroong mga BIKTIMA ng RAPE, mga bahay na pinasok umano at NINAKAWAN at iba pang lumutang na krimen kaugnay ng pagkagutom at kakapusan ng mga biktima ng super bagyong si Yolanda.
Kahapon, opisyal nang sinibak si Eastern Visayas Regional Director, Chief Supt. Elmer Soria dahil siya pala ang nagsabi na hindi raw kukulangin sa 10,000 ang mga namatay matapos ang storm surge/tsunami sa Tacloban, Leyte.
Sa pinakahuling opisyal na bilang, umabot sa 2,300 plus ang mga bangkay na na-account na ng mga awtoridad. Malaking porsiyento nito ay hindi pa kinikilala ng kanilang mga kaanak.
Sinibak si Gen. Soria dahil sa pagkakalat ng hindi kompirmadong ulat tungkol sa bilang ng mga namatay na s’yempre na-pick up din ng international media.
Kung ganoon, mayroong pangangailangan na linawin ng mga awtoridad kung totoo ba ang mga insidente ng RAPE at NAKAWAN sa mga bahay-bahay dahil maraming residente na ang natatakot sa mga balitang ito.
Ang pagkompirma kung tunay na nangyari o hindi nangyari ang mga panggagahasa at nakawan ay malaking bagay kung paano poproteksyonan ng mga residente ang kanilang sarili at ang kanilang pamilya … lalo na ‘yung mga walang kakayahan na umalis sa kanilang lugar at walang kaanak na tutuluyan kahit man lang sa kalapit probinsiya o sa Maynila man.
Magiging kapanatagan naman sa isang banda kapag nakompirmang walang ganoong insidente.
Itinanggi na rin ang pagpuga umano ng 200 preso sa Tacloban at sinabi ng mga preso na sila pa mismo ang nag-ayos at nagkumpuni ng detention center matapos ang pananalanta ng bagyong Yolanda.
Ang pagkaklaro sa mga insidenteng ito ay immediate task ng Philipine National Police na dapat nilang ipasa sa nagpapatupad ng “State of National Calamity’ nang sa gayon ay maiklaro sa sambayanan para na rin sa kapanatagan ng malalayong kaanak ng mga biktima.
Go, PNPchief, Dir. Gen. Alan Purisima!
BUREAU OF CUSTOMS HINAGUPIT RIN NG ‘YOLANDA’
MATINDI raw ang demoralisasyon ngayon sa Bureau of Customs (BoC), ang balita ay parang hinagupit din sila ng SUPER TYPHOON na si YOLANDA.
Buti pa nga ang buong bansa tiyak na makararaos din sa DELUBYO ni YOLANDA pero sa BoC daw hanggang ngayon hindi pa rin nila alam kung kailan magwawakas ang tila araw-araw nilang walang bukas.
Ito ay kaugnay ng ‘unpredictable’ execution ng repormang pinatutupad ng Department of Finance at BOC.
Kung ‘yung mga DISTRICT COLLECTOR na mayroong ELIGIBILITY ‘e tinamaan ng ‘wrath of DOF’ ‘e paano na ‘yung iba pa?!
Pagkatapos ngang madale ng Customs Personnel Order (CPO) at Executive Order ang mga eligible na DISTRICT COLLECTORS ‘e pinalitan na sila.
At ang mga pumalit sa kanila s’yempre mga INSTANT ‘este’ DISTRICT COLLECTOR din.
Last week, bumagsak na naman ang ‘TABAK NI DAMOCLES’ na tumagpas sa mga Director at mga Division Chief na dadalhin rin sa bartolina ‘este’ DOF-CPRO sa Bangko Sentral Bldg.
Tanong ng ilang beteranong Customs official, ibig sabihin ba nito sa bawat araw ay hindi sila nakatitiyak na tatamaan ng CPO at baka hindi na makabalik pa sa kanilang pwesto kinabukasan?
Ganyan raw po ang matinding insekyuridad na nararamdaman ngayon ng mga taga-BoC dahil sa delubyo ng reporma na sing tindi raw ng bagyong ‘YOLANDA.’
Ang ipinagtataka lang ng BOC rank & file employees ay kung bakit tahimik na tahimik ang Bureau of Customs Employees Association (BOCEA) sa isyung ito…
Bakit nga ba Mr. Romy Pagulayan?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com