Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 wanted timbog sa hideout

NAGWAKAS ang matagal nang pagtatago ng da-lawang pinaghahanap ng batas matapos masakote sa saturation drive ng mga awtoridad sa mga pugad ng masasamang loob sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kulong ang mga suspek na kinilalang sina Santiago Mamaril, 41, ng Bonifacio Market, may kasong pagtutulak ng droga,  at Anduy Rosales, 42, ng Victoria North Subdivision Brgy. Potrero, Malabon City, may kasong illegal gambling.

Sa ulat ni Supt. Ferdie del Rosario, hepe ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan Police, isang impormasyon ang natanggap ng kanyang tanggapan tungkol sa isang bilyaran sa loob ng Bonifacio Market ng nasabing lungsod na ginagawang pugad ng mga masasamang loob at nagtatago sa batas.

Dakong 2:14 p.m. kamakalawa ay sinuyod ng mga awtoridad ang pugad at nadatnan ang mga lalaking nagsusugal kaya dinala sa himpilan ng pulisya.

Sa isinagawang beripikasyon, nabatid na may standing warrant of arrest ang dalawang suspek habang ang karamihan naman sa mga dinakip na walang record ay pinauwi na. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …