Monday , December 23 2024

SILG Mar Roxas, Gen. Garbo, Gen. Francisco Uyami kinakaladkad ni alias Allan Aspileta sa mga ilegalista

00 Bulabugin JSY

ISANG nagpapakilalang bata-bata ng isang ‘PULIS-CRAME’ na alyas ALLAN ASPILETA ang parang bagyong ‘YOLANDA’ rin na nananalanta sa mga 1602 sugalan, putahan, vendors, club & sauna bath at iba pang mga illegal sa Metro Manila.

Ayon sa ating INFO si ASPILETA ay batang sarado ng isang alias ALI BOTAL – ang nagpapakilalang pulis-Crame.

Ibang klase si Botal, hindi lang kasi si Gen. UYAMI ang kinakaladkad niya.

Pati pangalan ni NCRPO chief, Gen. Marcelo Garbo at SILG MAR ROXAS ay parang kakabit na rin ng pangalan niya.

Kanino kaya nanghihiram ng KAPAL NG MUKHA itong sina ASPILETA at BOTAL at ganoon na lang kalakas ang loob sa paggamit ng pangalan nina Uyami, Garbo at Roxas?!

Hindi pa ba sumasakit ang ULO n’yo sa mga BUKOL mula kina Aspileta at Botal?!

Gen. Uyami at Gen. Garbo, kalusin na n’yo agad ang dalawang bugok na ‘yan bago pa kumalat ang kamandag sa Metro Manila!

THANKS BUT NO THANKS CHINA!

PAKITANG-TAO ba ang tawag doon sa tutulong daw pero parang napipilitan lang?!

Ito po ‘yung pangakong tulong ng China sa mga bitkima ng ‘Yolanda’ sa ating bansa na US$100,000.

Mantakin n’yo naman, ‘yung ibang bansa nga kung magbigay ng donasyon ay milyon-milyong dolyares, ‘e itong China na world’s second largest economy ‘e magbibigay ng donasyon na US$100,000 lang.

Iba pa rin talaga si Uncle Sam, talagang BIG BROTHER pa rin sila ng Philippines my Philippines.

Milyon-milyon ang pangakong tulong ng US para sa Yolanda victims at magpapadala pa ng barko para mapabilis ang rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.

Samantala ang mga Chinese national na nagpupunta sa ating bansa, papasok na isang turista bibili ng working visa, maninirahan sa bansa magnenegosyo at iistambay sa mga CASINO.

Doon nagpapayaman pero hindi nagbabayad ng buwis. Kapag nakaipon na, goodbye Philippines!

Mantakin ninyo kung gaano kalaking halaga ang nailalabas sa bansa ng mga Chinese national na ‘yan mula sa mainland China dahil sa raket nilang loan shark sa mga Casino dito sa bansa?!

Mga VIP pa ‘yan!

‘E hindi naman mag-i-infuse ng kwarta ‘yang mga Chinese na ‘yan sa ekonomiya natin …

Tapos magbibigay ng donasyon $100,000?!

HUWAG na lang TANGGAPIN ‘yan!

Tsap tsing!!!

ANO BA SILBI NG NATIONAL STATE CALAMITY STATUS?

SABI ni Pangulong Benigno S. Aquino III, bibilis daw ang ‘TULONG’ sa mga nasalanta ng YOLANDA kapag idineklara niya ang NATIONAL STATE OF CALAMITY.

‘E kailan ba niya idineklara?

At anong petsa na?

Limang araw na ang nakalilipas mula nang manalanta si Yolanda, pero hanggang ngayon ay isa pa rin ang daing ng mga kababayan natin sa Capiz, Iloilo, Samar, Tacloban, Ormoc at iba pang bayan sa Leyte … wala pa rin silang natatanggap na tulong mula sa gobyerno.

Ang tulong na natanggap nila ay mula sa ilang pribadong sektor na alam naman natin na limitado rin.

Bukod sa kontaminado na ang nasabing mga lugar dahil sa mga nagkalat na bangkay, wala silang koryente, wala silang tubig at higit sa lahat wala silang makain.

Nilusob umano ng mga biktima ni Yolanda ang isang mall, ang ilang tindahan at isang bodega ng bigas ng National Food Authority (NFA) pero imbes malutas ang kanilang problema sa pagkain at tubig ‘e nagkaroon ng gulo at walo ang namatay sa stampede.

Ang tanong lang natin ‘e ganito, “Ano ang silbi ng National State of Calamity kung namamayani ang kaguluhan?”

Delikado ang pagdedeklara ni PNOY ng National State of Calamity kung hindi naman ito kayang KONTROLIN ng gobyerno.

Maraming mensahe ang nakararating sa inyong lingkod.

Ang isa umano sa dahilan kung bakit hindi agad nakaaabot sa mga benepisaryo ang tulong at relief operations ay dahil nangangamba ang military na mapunta umano sa New Peoples Army (NPA) ang mga goods.

Sonabagan!

National State of Calamity, namimili ng bibigyan ng relief goods?!

Ayon nga sa isang blog na nabasa natin, “Relief goods are not being well distributed. No rescue team. Ni wala kang makikitang sundalo. Kung meron man, nasa airport nakatunganga. Hence, still no food, water, gas and basic necessities here. ‘Yan ang main reason bakit rampant ang looting dito. Again, wala pang mga relief goods na naibibigay. Ilang araw na wala pa rin. Kung meron man ay mabagal ang dating!

People are starving but not killing each other, so pls stop that bullshit news na mga tao raw dito nagkakasakitan na at mga taga-Manila pinagkakaguluhan ‘pag malamang may food. I’ve been walking for 2 days now, with water and food. Walang humarang sakin. I have to voluntarily share my food and they would thank me. Some would offer us a ride, ‘yung mga may vehicle, pero rarely lang mangyari kasi walang gas dito. Gov’t officials, stop bragging na may more than enough relief goods and rescue team! That is bullshit!

“Mga sundalo rito ang may supply ng water at food. Mga locals wala. Nakipag-barter na nga lang ako ng food ko in exchange for his water kasi wala na akong tubig. Wala. Hindi naman nag-iikot and media rito. Ewan nasan mga yun. Passable na ang roads. Di ko gets bakit hindi madistribute yung relief goods. I’m at the city hall right now. Nakaimbak sa loob, karton-karton na tubig, pero hindi kami binibigyan. Pero mga sundalo meron. Punyetang gobyerno!”

Nasaan ang CRISIS MANAGEMENT matapos ideklara ang National State Calamity?!

Ayaw natin manisi o mamuna pero sa totoo lang, tayo ngang wala roon sa aktwal na sitwasyon ay napapagod, nadedesmaya at umiiyak, ‘yun pa kayang mga tagaroon na hindi na alam kung anong gagawin sa buhay nila?!

IPATUPAD ang tunay at totoong NATIONAL STATE OF CALAMITY!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *