Monday , December 23 2024

Palitan ang Liga prexy

Therefore let us stop passing judgment on one another. Instead, make up your mind not to put any stumbling block or obstacle in your brother’s way.—Romans 14:13

ITO ang panawagan sa atin ng marami natin kabarangay na anila’y napapanahon na upang palitan naman ang Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Maynila na pinamumunuan nga-yon ni Phillip Lacuna.

Katwiran kasi ng marami natin kabarangay,  wala naman maayos na nagawang programa ang Liga mula nang pamunuan ito ng batang Lacuna, anim na taon na ang nakalilpas.

***

AT kahit magtanong ka sa mga Barangay Chairmen, (maliban sa kanilang die hard fans) nais na nila ng pagbabago sa pamunuan ng Liga ng mga Barangay sa Maynila.

Hindi raw kasi tunay na kinatawan ni Phillip ang mga barangay chairmen, bagkus,  kinakalaban pa niya ang mga barangay sa Maynila.

Kumbaga, walang ka-amor amor si Phillip sa barangayan!

***

SABAGAY kaya naman siya nanalo, dahil sa pakikisama ng mga barangay officials sa kanyang ama na si dating Vice Mayor Danny Lacuna.

Nagwagi ang batang Lacuna sa utang na loob ng barangay sa kanyang ama. Pero siguro naman tapos na ang “honeymoon period” at napagbigyan na ng anim na taon si Phillip.

Sigaw nila: iba naman!

***

BASTA parehas lamang ang laban na gagawin at walang ‘panunuhol’ na pagkilos sa mga barangay chairmen, nakatitiyak ang inyong abang Lingkod na mababago ang leadership sa Liga.

Dapat maluklok sa liga ang tunay na nagmamalasakit sa barangay at hindi nagpapahirap sa kanilang hanay.

Ano sa palagay mo Chairman Mon Morales?

PANAWAGAN

KAY PANGULONG ERAP

NG DILG-MANILA

IPINAPANAWAGAN muli natin kay Pangulong Erap ang patuloy na panggigipit ng tanggapan ni Manila Barangay Bureau (MBB) Officer in Charge Jesus Payad kay DILG-Manila City Director Atty. Cherry Canda-Melodias.

Hanggang sa isinusulat natin ang kolum na ito, wala pa rin magamit na tubig ang opisina ni Atty. Cherry na mata-tagpuan sa ground floor ng gusali ng MBB sa Arroceros.

***

HALOS bumabaho na ang opisina ni Atty. Cherry dahil umano sa iniutos ni Payad na putulan ng suplay ng tubig ang DILG-Manila Office, may tatlong Linggo na ang nakararaan.

Pangbebengga ni Payad matapos tumanggi si Atty. Cherry na pirmahan ang supplemental budget ng Brgy 404 dahil kuwestyonable ang dokumento kung saan gagamitin, maliban sa pagsasabi ni Brgy Chairman Emmanuel de Vela na ito ay “para kay Vice Mayor!”

***

HAMBOG si Payad na akala mo ay may napakataas na pinag-aralan. Dahil maliwanag na isang harassment ang ginagawa ng opisyal, kahit pa nasa loob ng gusali ng MBB ang DILG-Manila Office, hindi ito dapat gawin sa isang mataas na opisyal ng DILG sa Maynila.

Si Payad ay parang isang langaw na nakatuntong sa kalabaw. Hindi ito nararapat sa tanggapan ng MBB.

Ang aksyon lamang ni Presidente Erap ang ating hinihintay!

“HUWAG MAGSAWA TUMULONG”

SA mga may mabubuting kalooban, patuloy po tayong magpaabot ng ayuda sa mga kababayan natin biktima ng super typhoon Yolanda.

Dahil umaabot na sa mahigit 1 milyong pa-milya ang apektado ng bagyo, walang tirahan, walang makain, walang mapagkukunan ng kabuhayan.

Kalunus-lunos, kaawa-awa ang kanilang kalagayan!

***

BAGAMA’T bumabaha ng donasyon mula sa mga dayuhan bansa, hindi pa rin sapat ang mga pangangailangan na ito. Tayong mga Filipino ang dapat manguna sa pagtulong upang maipakita natin ang pagdadamayan sa panahon ng kagipitan.

Hindi lamang sa pagbibigay ng mga relief goods ang maaaring gawin pagtulong sa kapwa. Ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang foundation o grupo na nagsasagawa ng relief operation, ay isang paraan na rin ng pagtulong.

***

MAAARI tayong mag-volunteer para sa repacking ng relief goods, pag-volunteer sa Philippine National Red Cross at higit sa lahat ang taimtim na pagdarasal na sana ay hindi na maranasan muli ng Filipinas ang nasabing delubyo, bunsod ng bagyong Yolanda.

Batid naman ng inyong abang lingkod na malalagpasan natin ang lahat nang pagsubok na dumating sa atin. Sabi nga ni Mayor Alfredo Lim, ‘wag sana tayong mapagod sa pagtulong.

Mga kabarangay, tulungan natin ang mga taga-Visayas na makabangon muli!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *