Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

STL front ng talamak na Jueteng sa Isabela

TILA nililinlang nila ang mamayan ng Isabela sa lantaran pagpapataya na ginagawang front lamang ang Small Town Lottery o STL  sa talamak na jueteng operasyon mula sa apat na distrito ng lalawigan ng Isabela.

Sa 1st district namamayani ang jueteng operasyon sa pamamahala ng isang alyas “Jojo” na nakatira sa bayan ng Cabagan, Isabela na balwarte ng mag-ama at dating Congressman Rodolfo Albano na ngayon ay kasalukuyang Mayor sa nasabing bayan.

Nagtataka ang mga nagmamalasakit na mamamayan kung bakit tahimik lang si 1st Dist. Cong. Rodito Albano III sa operasyon ng jueteng na ang front ay STL sa kanyang distrito at ilang bahagi ng 2nd District ng lalawigan.

Habang ang ibang natitirang bayan sa 2nd Dist., 3rd at 4th District na pinamamahala nina ANAC-IP Party-list Bentot Panganiban, Jr., at 3rd District Rep. Pol Dy maliban sa siyudad ng Cauayan na balwarte ng mga Dy na pinamamahalaan ng isang alyas ‘Nestor’na tauhan umano ni Mayor Cesar Dy.

Sa operasyon na front ang STL ng talamak na jueteng ay mayroon lingguhang padulas na nakararating umano sa tanggapan ni S/Supt. Ramos, Jr., Provincial director ng Isabela Police Provincial Office.

Kaya takot daw ang mga hepe na manghuli dahil ilan sa mga nanunungkulan politiko at mayor sa kanilang bayan ay kasosyo sa illegal gambling.

Kung kaya’t pati ang ilang religous sector at non-government agency ay labis ang pakadismaya nila sa pulisya sa patuloy na pamamayagpag ng illegal gambling na binobola ng dalawang beses at tatlong beses sa ibang bayan.

Reklamo naman ng mga mananaya ay hindi nila natatamaan ang mga numerong lumalabas dahil niloloko sila pero ang ilan pa rin ay nagbabasakali na manalo para may pantawid sa kanilang kahirapan sa buhay.

LOTENG SA QC LARGADO NA!

Gen. Garbo sir, tuloy-tuloy naman daw ang loteng operation saQuezon City sabi ng mga impormante ng ating Target on Air, na ang mga operator diyan sa QC e sina Lito Motor alyas El Em, Ver Bikol, Don Ramon.., at ang upcoming operation ni Pinong na nagpapahanap na ng maraming magiging kobrador para makuha nila ang kota dahil sa laki raw ng intelihensiya na ibibigay nila sa mga enforcer kapalit na huwag salakayin ang kanilang lotteng operation.

ABANGAN!!!!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “Target on air” tuwing Martes at sabado 11 am -12 pm mag txt sa 09196612670 / 09167578424  sa  sumbong o reklamo o mag email sa  [email protected]

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …