Sunday , December 22 2024

Kung ayaw nila sa atin e di ayaw din natin sa kanila

NAKALULUNGKOT ang desisyon ng mga mambabatas ng autonomous Hong Kong na putulin ang pakikipag-ugnayan sa atin pero sa pagkakataong ito ay may palagay ako na biyaya sa atin ang kanilang pasya.

Kung sakaling matuloy ang panukalang hakbang na ito ng mga mambabatas ng Hong Kong Special Administrative Region ay tiyak na mababawasan na ang pagpasok ng mga pekeng paninda sa ating mga pamilihan (sentro ng mga mamemeke ang HK). Liliit rin ang negosyo ng ipinagbabawal na gamot dahil ang HK, sa pamamagitan ng sindikatong triad, ang isa sa sentro ng ipinagbabawal na droga sa mundo sa Asya.

Dahil kasama sa kanilang panukala na hingan ng visa ang mga Pilipinong bibisita roon ay maaaring magbibigay-daan ang pagkawala ng HK bilang regular na destinasyong pasyalan ng ating mga kababayan. Maaaring maging puwang naman ito para maihaon ang ating sariling Chinatown sa Binondo. Ang Binondo ay puwedeng maging kakompetensya ng Hong Kong na dating kolonya ng Gran Britanya bilang destinasyong pasyalan.

Bukod pa sa mga nabanggit ay marami sa ating mga kababayan, maliban na lang siguro sa mga nagtatrabaho roon, ang hindi na makararanas ng kabastusan ng mga Hong Kongese. Hindi ko alam kung alam ninyo ito pero maraming Hong Kongese ang bastos at tila walang pinag-aralan. Ako mismo ay nakaranas ng kanilang kabastusan sa loob mismo ng isang hotel doon.

Kung sakaling mapagbigyan ng pamahalaan ng Hong Kong ang layaw na ito ng kanilang mga mambabatas ay hindi ito magiging kawalan nang malaki sa atin. Ang mahalaga ay maging matatag si Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Hindi siya dapat bumigay sa kagustuhan ng mga Hong Kongese na mangayupapa tayo sa kanilang paanan. Kahiyaan na ito.

Dangan kasi, sa kabila ng ating taos pusong pakikiramay sa mga namatay na Hong Kongese noong 2010 hostage taking sa Luneta (napatay rin sa insidenteng ito ang kaisa-isang hostage taker na isang sinibak na kagawad ng Pambansang Pulisya), ay ibig nilang magbayad tayo at pormal pang humingi ng tawad. Wala sanang problema na pag-usapan ang mga kahilingang ito kung hindi sila naging arogante.

Humingi na ng tawad si dating pangulong Joseph Estrada bilang ama ng Lungsod ng Maynila pero hindi siya pinansin ng mga aroganteng Hong Kongese. Ito na sana ang pinakamagandang panahon para magkasundo tayo at ang pamunuan ng SAR pero sinayang ito ng mga Hong Kongese.

Sa pagkakataong ito tanging ang mga taong walang kahihiyan sa sarili na lamang ang susunod sa kagustuhan ng mga dating alila ng mga Ingles.

* * *

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu ng panahon ugaliing making sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes alas nueve (9) hanggang alas diyes (10) ng gabi .

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *