ANG feng shui element ng wealth and money area ay wood, at ang wood ay pinalalakas ng water (na nagbibigay sustansya sa wood) at ng earth (na nagbibigay sa wood ng firm foundation sa kanyang paglago).
Ang lahat ng ito ay base sa interplay ng limang feng shui elements, isa sa basic principles ng feng shui.
Kung nais n’yong ma-express sa dekorasyon sa inyong bahay o opisina ang mga elementong ito, narito ang walong specific steps na makatutulong. Maglagay ng wood, water, at earth feng shui elements sa inyong money area décor ng:
*Malusog at maberdeng halaman katulad ng money plant, feng shui lucky bamboo, air purifying plant o iba pang vibrant plant na lalago sa lighting conditions ng erya.
*Water feature, salamin o imahe ng tubig. Maaaring maglagay ng actual fountain sa erya, o salamin. Maaari rin ang mga imahe ng magandang water falls, lawa, ilog o karagatan. Tiyaking malinis at dumadaloy ang tubig.
*I-emphasize ang specific shapes ng inyong money area décor. Ang bawat feng shui element ay na-express sa specifc shapes, upang magkaroon ng hinahangad na enerhiya ng hugis katulad ng rectangular (Wood element); Square (Earth element); Wavy (Water element).
Ito man ay sa hugis ng picture frames, fabric patterns o wall paper design, ang mga hugis na ito ay magdudlot ng tamang enerhiya sa inyong money area. (MAY KARUGTONG)
Lady Choi