PITONG minero ang namatay matapos ma-trap sa loob ng tunnel sa Magpet, North Cotabato.
Wala nang buhay nang maiahon mula sa ila-lim ng tunnel ang mga biktimang si Jojo Flores, miyembro ng CAFGU, mga kapatd niyang sina Dionito at Jeffrey, pawang ng Sitio Makaumpig, Purok-5, Brgy.Temporan, Magpet; tatlong lalaking magkakapatid na kinilala lamang sa apelyidong Senados, at ang isa pang minero na kinilala sa pa-ngalang Catubay, residente ng Brgy. Dalipe, Magpet.
Ayon sa isa rin mi-nero na si Dondon, na-trap sa 70 metrong lalim ng tunnel ang mga biktima na marahil ay na-suffocate kaya namatay.
Sa teorya ng mga imbestigador, posibleng nakalanghap ng kemikal na nagmumula sa deposito ng methane ang mga biktima kaya nahirapang huminga hanggang mamatay.
(BETH JULIAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com