Accept him whose faith is weak, without passing judgment on disputable matters. —Romans 14: 1
GRABE talaga ang nangyari sa Visayas area—Eastern Samar, Iloilo at sa Tacloban City, Leyte. Tila parang isang malaking delubyo lalo na sa siyudad ng Tacloban, dahil ayon na rin sa talaan ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) burado ang buong siyudad sa pagsalpok ng super typhoon Yolanda sa probinsya.
Nag-walk out ang Pangulong Pnoy sa pakikipagpulong niya sa mga local officials ng Tacloban City. Sinisi kasi sila ni Pnoy sa kawalang kahandaan sa panahon ng kalamidad na sanhi ng pagkakagulo ng maraming residente dito.
***
WASAK ang lahat ng kabahayan, walang mapagkunan ng pagkain, walang nakahandang evacuation centers, walang inihandang prepa-rasyon kahit pa may warning signal na mula sa Pag-Asa, tatlong araw bago pa dumating ang bagyong Yolanda nitong Biyernes, Nobyembre 8.
Siyudad mismo o kapitolyo ng Leyte ang sinalanta ng bagyo. Sentro ito ng kalakalan, komersyo at komunikasyon na dapat ay nakahanda palagi sa anumang sakuna o kalamidad.
***
NOONG panahon ni Mayor Alfredo Lim, hindi pa man panahon ng tag-ulan, naghahanda agad ng pondo at mga kagamitan ang Alkalde. Ipiniprepara agad ang contigency plans upang hindi na mag-apura kapag dumating ang panahon ng kalamidad.
Noong Disyembre 2012, binuksan ni Mayor Lim sa publiko ang Delpan Evacuation Center na may apat na palapag, kompleto sa lahat ng kagamitan, may medical clinic, kitchen at maging palaruan para sa mga bata.
Iba ang laging handa!
***
SA pagpasok ng Pebrero 2013, pinasinayaan naman ni Mayor Lim ang ikalawang evacuation centers sa Baseco Compound na may kahalintulad din na amenities sa Delpan.
Ayaw ni Mayor Lim na gawing evacuation centers ang mga eskwelahan o covered courts, dahil naabala ang pag-aaral ng mga estudyante at kawalan naman ng sapat na pasilidad ang mga basketball courts.
Iba talaga mag-isip ang mga opisyal ng Maynila noon!
***
KAYA noong panahon ng election campaign, nasambit nga ni Pnoy sa proclamation rally ng Liberal Party sa Plaza Miranda na hindi niya malubos maisip kung paano nagawa ni Mayor Lim ang magagandang proyekto sa Lungsod at na-wika pa na gusto niyang mag-se-minar sa Alkalde dahil dito.
Ang mga proyektong nagawa kasi ni Mayor Lim sa Maynila ay puro para sa mga tao. Libreng ospital, libreng edukasyon, libreng gamot at iba pa.
Pero ngayon? Ewan ko, may libre pa ba?!
***
KAYA naman hindi natin masisi si Pnoy sa pag-walk out sa meeting sa mga lokal na opis-yales ng pamahalaan ng Tacloban City.
Walang disaster preparedness program na ginawa ang mga opisyal dito, samantala laging puntahan ng bagyo ang probinsya. Isang mala-king Lungsod ang Tacloban pero nakalulungkot walang ginawang paghahanda ang mga opis-yales dito.
Pasensya na kayo, hindi tagariyan si Mayor Lim!
TEXT BRIGADES
KAWAWA ANG MGA VENDORS SA DIVI
Che, kawa2 n kme d2 s divisoria, plge huli ang gngwa samin, mgpa2sko p nman wla kme kita pero mga tga city hall busog ang bulsa, mga buwiseeet!—09087071+++
WALANG MADAAANAN SA MAYNILA
Plage po ako dumaraan d2 sa city hall ang lawak lawak ng daanan pero bket kmi pnadaraan sa kabla eh puno ng vendors duon wala n kmi madaanan, ano ba tlaga nangya2re na s mynila chairwoman santos? Pakitago po number ko thanks!
NCAA AT NHI DAPAT
MAKIALAM SA SHRINE
Tma po kau chairman santos, dpat makialam n ang NCAA at NHI sa Bonifacio shrine dhil tlga sobrang baho at dumi tuwing dumaraan kami nlgyan p nla ng peryahan, naba2boy npo ang shrine! —092314265+++
IPINAPATAGA KAY BONI
cno ba mga opisyal ang may pakulo ng peryahan d’yan sa bonifacio shrine? Binababoy nila ang ating bayani, kung cno man ang may pakulo dyn, mataga sana! —09351938+++
TOTOONG MAY NAPOLES SA CITY HALL
to2o my janet napoles din dyan sa mla city hall, may estrada din kc dyan! Harharhar!—number withheld
PINABABALIK SI DIRTY HARRY
magulo npo ang mynila, kabi-kabilaan na ang patayan, wala ng law and order, kailan po ba babalik si dirty harry? Inip na kami!—0909269781+++
Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating ko-lum tuwing Lunes, Martes at Huwebes
Chairwoman Ligaya V.Santos