Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng shui design

ANG terminong feng shui design at feng shui decorating ay madalas pinagpapalit-palit ang paggamit, ngunit mayroong banayad na pagkakaiba ang dalawang ito.

Ang pagkakaiba sa designing at decorating ay makikita sa mismong bahay na mayroon nito. Kailangan ng professional designer para makatulong sa pagpapatupad ng malalim na pagbabago sa bahay, habang sa madaling mga pagbabago ay maaaring magpatulong sa interior decorator.

Ang ibig sabihin ng good feng shui design ay bahay na itinayo para magkaroon ng mainam na pagdaloy ng enerhiya sa isip; ito ay mainam at matibay na pagdaloy.

Ang well designed feng shui house ay walang:

*Front door na naka-align sa back door

*Bedroom sa itaas ng garahe

*Bathroom sa itaas ng front door

*Hagdanan na nakaharap sa main door

*Bathroom sa itaas ng bedroom

Ito ay nangangahulugan ding ang bahay ay itinayo para magkaroon ng mainam na pagdaloy ng hangin at nakapapasok ang natural light sa bawat kwarto.

Ang ilan sa resulta ng bad feng shui design ay madaling maresolba kaysa iba. Halimbawa, maaaring maglagay ng air purifying plants o mag-invest sa smart lighting – o full spectrum lighting – habang hindi madaling mabago ang epekto ng bathroom na nasa itaas ng bedroom.

Gayundin, ang feng shui design ay proseso na isinasagawa sa initial stages ng pagtatayo o renovation ng bahay, habang ang feng shui decorating ay maaaring maisagawa ano mang oras gamit ang wastong feng shui cures.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …