MEDYO hindi maganda ang nangyayari ngayon sa karera ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.
Binabalewala lang siya at mukhang hindi takot ang mga jueteng operator dahil ang ‘GO SIGNAL’ umano ay galing pa umano sa PNP.
(Totoo po ba ‘yan, Chief PNP, Dir. Gen. Alan Purisima?)
Sa Southern Metro Manila umano ay mismong isang opisyal ng PNP- Southern Police District (SPD) pa ang tumatawag sa mga HEPE ng presinto na palargahin ang TENGWE ni BOSSING MANUELA.
‘Wag daw intindihin si SILG MAR dahil ang GO SIGNAL ay galing mismo kay PNP CHIEF?!
Alam mo na ba ‘yan PNP-SPD Director C/Supt. ERWIN VILLACORTE?
SONABAGAN!!!
Kaya pala LARGADO pa rin ang jueteng sa Las Piñas under the management of KA MISING at KARDING LESPU. Sa Muntinlupa naman ay pinaghatian na nina alias JOSIE BORHA, BOY ARUHADO, EMILY, SAMBOY at LANDO.
Sa Parañaque naman ay nariyan si JONJON, sa Sun Valley si BOYET, sa Daughters, Baclaran si EDGAR at sa San Dionisio ay pinamamahalaan ni JOY.
Sa Pateros ay nandiyan si Kagawad PAPAY PUSA, si JOVIT, si BOB at si VERGEL.
Sa Taguig naman ay namamayagpag sina ARAGUTA, AYUNGIN at PHILIP.
Hindi raw takot sa ONE STRIKE POLICY ang mga CHIEF OF POLICE dahil si WETENG MANUELA ay protektado umano ng isang Kernel sa NCRPO RISO.
Kaya huwag nang magtaka kung kabi-kabila ang operasyon ng jueteng ni Manuela sa Metro Manila South…
At s’yempre, ang isa sa mga VERY HAPPY d’yan ay ang kolek-TONG ng NCRPO RISO na si alyas Baby.
Bumabaha na naman ang kwarta sa PNP-SPD dahil sa JUETENG ni MANUELA.
Wala ka bang gagawing aksyon SILG Mar Roxas!?
SEN. FRANK DRILON SILENT SUPPORTER NI JANET LIM-NAPOLES SA SENATE HEARING?
HABANG nakasalang si P10-billion pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles sa Senate committee hearing nitong Huwebes, marami ang nakapansin na si Senate President Franklin Drilon ay naroon lang pala sa tabi-tabi …malapit lang kay Janet Lim Napoles.
Sa bawat daan ng camera sa kanyang kinaroroonan, marami ang nakapansin na parang nagmi-MIRON si Senate President Frank Drilon at matamang pinakikinggan lang kung ano ang mga isasagot ni JANET LIM NAPOLES.
Kahit isang tanong ay hindi nagbato si Sen. Drilon.
Sabi tuloy ng marami … “Nahihiya sigurong magtanong si Senate prexy Franklin Drilon.”
Katunayan ‘e nakuhaan pa siya na ‘NAKATULOG’ pa.
Anyway, ngayon lang natin natuklasan na MAHIYAIN pala si Sen. FRANK.
Sus naman, nahiya ka pa Senator, para naman wala kayong pinagsamahan ni Napoles.
Pakitanong lang nga kay MISIS, Sen. Drilon kung bakit nga kayo naging CLOSE kina NAPOLES?!
Mukhang nagse-SENIOR MOMENTS ka na Sir, kapag si Napoles ang pinag-uusapan … hehehehe!
RETURN OF THE COMEBACK NI TANGING INANG SA BI (NAPOLES AT MA’AM ARLENE NG BI, RUMARAGASA NA NAMAN!)
MATAPOS ang dalawang taon pamamahinga, muli na naman nasisilayan ang aura ng natatanging caregiver ni Bureau of Immigration (BI) OIC Associate Commissioner Roy P. Ledesma (RPL) na si Madame Dorotea Dalusong o mas kilala sa bansag na “Tanging Inang” sa BI Main office.
Matatandaang kasama sa mga ipina-BAN ni Ex-Commissioner Ric David Dayunyor noong kanyang kapanahunan sa Bureau si Tanging Inang dahil matagal na siyang retirado, at ngayon ay madalas na naman mamamataan ng BI employees si Tang ‘este’ Tanging Inang sa loob ng opisina ni RPL.
Ahhh, kaya raw pala, panay na naman ang samba ‘este’ silip ng pakners in crime na sina BETTY ‘napoles’ CHUWAWA at ANNIE ‘mam arlene’ SEY, ang dalawang notorious na fixers sa kwarto ni RPL? Ito kaya ay dahil kung may palulusutin ‘este’ papipirmahan sila kay OIC AssComm. Ledesma?
‘E kung gano’n, siguradong hindi made-deny ang mga dokumento nila dahil nandiyan ang kanilang ‘ina ng saklolo’ na si ‘Tanging Inang?’
Sabagay mahirap raw talagang maghanap ng yaya sa panahong ito kaya dedma na lang at no comment si BI-OIC Fred Mison kahit alam naman ng lahat kung ano ang mga naging aktibidades ni Tanging Inang noong si Roy Ledesma pa ang nakaupo as OIC Commissioner ng BI?
OIC Fred Mison, mukhang bumabaluktot na naman ang daan sa BI?
Careful … careful …
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com