GOOD feng shui ba ang paglalagay ng salamin sa pintuan ng bathroom? Kailangan ba talaga ito para sa good feng shui sa bahay?
Hindi mahalaga ang pagkakaroon ng salamin sa bathroom door para sa good feng shui. Kaya hindi ito talagang kailangan.
Ang pinakamahalaga sa feng shui cures para ito ay umepekto ay ang talagang magustuhan ito ng indibidwal at gamitin ito bilang overall home décor style.
Kung maaari kang maglagay ng tinaguriang powerful feng shui cure na posibleng eepekto ngunit hindi naman nababagay sa lugar, hindi ito lilikha ng good feng shui para sa iyo. Maaaring kabaligtaran pa ang mangyari.
Ang dahilan kung bakit minsan ang salamin ay inirerekomenda para sa feng shui sa bathroom door, ay dahil ang salamin ay nagsisilbing wall, o ang pintuan ay energetically na mistulang nawawala.
Itinutulak pabalik ng salamin ang enerhiya, kaya naman madalas na inirerekomenda na ilagay ang salamin nang hindi nakaharap sa main door.
Ang salamin sa labas ng bathroom door ay ikinokonsiderang good dahil itinutulak ng salamin ang enerhiya palayo upang hindi makapasok sa banyo, kaya ang enerhiya ay napipigilang dumaloy patungo sa drainage.
Ikaw ang magdedesisyon kung ang salamin sa bathroom door ay gusto mo talaga katulad ng iyong home décor scheme. At kung okay lamang ito sa iyo.
Lady Choi