Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Paul Gutierrez’ lumutang sa sapa (Sinumpong ng sakit sa utak )

PATAY na nang matagpuan ang 33-anyos na epileptic, na iniulat na nawawala, matapos lumutang sa sapa kamakalawa ng tanghali sa Taguig City.

Nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Paul Gutierrez,  ng 70-B ML Quezon St., Brgy. Hagonoy pasado alas-11:00 ng tanghali nang lumutang ang kalahating katawan nito sa sapa sa gilid ng CP Tinga Gym.

Sa pahayag ni Annalyn Gutierrez, kapatid ng biktima, kina SPO1 Darwin Allas at PO3 Eric Escobia ng Investigation and Detective Management Section ng Taguig police,  Miyerkoles ng umaga umalis ang kanyang kapatid at hindi na bumalik kaya’t ini-report agad nila ang pagkawala ng kapatid sa pulisya.

Malaki ang hinala ni Annalyn na sinumpong ng sakit na epilepsy ang kanyang kapatid at walang nakapansin nang mahulog sa sapa.

Sinang-ayunan din ni Carlito Gutierrez, ama ng biktima ang hinala ni Annalyn lalo na’t madalas aniyang sumpungin ng sakit ang kanyang anak.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …