HINDI na tayo nadesmaya sa mga sagot ni Janet Lim Napoles gaya ng … “hindi ko alam …” “hindi po totoo…” “I invoke my right against self incrimination …”
Expected na po natin ‘yan.
Lalo na nga’t hindi naman siya sa KORTE nakasalang kundi sa Senado na ang objective ng hearing ay “in aid of legislation.”
Well oriented si Napoles … malaki siguro ang pasasalamat na ‘ipinaabot’ niya sa lahat ng umalalay at nagpayo sa kanya kung paano sasagot sa Senado.
Ang higit kong ikinaDESMAYA lang ay ang suot na bullet proof vest ni Napoles na may nakalagay na ‘PULIS’ sa harap at PNP SAF sa likuran.
Bakeeet!?
PULIS na ba si NAPOLES?!
Bakit hindi man lang tinakpan ng ‘DETAINEE’ ‘yung PULIS at PNP SAF sa kanyang bullet proof vest?
Tsk tsk tsk …
Wala man lang bang nakaisip n’yan sa mga bata mo PNP chief, Dir. Gen. Alan Purisima?
Sabi n’yo nga ‘HI-RISK’ si NAPOLES ang PRIME SUSPECT sa P10-billion pork barrel scam ‘e bakit ninyo pinagsuot ng bullet proof vest na tipong miyembro ng PNP?!
‘E kung nakaisip ng kademonyohan ‘yan, at naisipang sumibat?! T’yak sumasakit na ang ulo ninyo ngayon.
Ano na lang ang magiging impression ng taong bayan at ng mga dayuhan na nanood ng Senate hearing?
O baka naman may naka-DEAL d’yan si NAPOLES sa Fort Sto. Domingo?
Inuulit ko lang po … RISKY ‘yang pagpapasuot kay Napoles ng bullet proof vest na ang label ay PULIS at PNP SAF.
Esep-esep din naman kapag may time.
VISA-FREE ENTRY NG MGA PINOY SA HONG KONG KANSELADO NA SIMULA DISYEMBRE 5
O AYAN na … ayon sa nakalap na impormasyon ng inyong lingkod, simula Disyembre 05, 2013, kanselado na ang VISA-FREE ENTRY ng mga Pinoy sa Hong Kong dahil lang sa kaepalan ng ilang nagmamagaling sa isyung Luneta hostage taking…
Blackmail ba ‘yan?!
Aba ‘e parang nagmamalaki pa ang HONG KONG. Napakawalang ‘gratitude’ naman ng ganyang diplomatic relations.
Hindi kaya naiintindihan ng Hong Kong na tayong mga Pinoy ang isa sa mayroong pinakamalaking bilang ng mga turista sa kanilang Island?
Sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi lang sa mga daliri mabibilang mga mga turistang Pinoy na namamasyal, kumakain at namimili d’yan sa Hong Kong.
Bigla tuloy tayong nawalan ng ‘BILIB’ sa Hong Kong.
Dapat pala mag-require na rin tayo ng VISA sa mga Hong Kong national na pumapasok sa bansa?!
Anyway, hindi po natin KAWALAN ‘yan.
Mas malaking kawalan po ‘yan sa Hong Kong.
CONGRATULATIONS SOUTHERN TAGALOG BROADCAST JOURNALISTS ASSOCIATION Inc., (STBJAI)
BINABATI po natin ang mga opisyal at miyembro Southern Tagalog Broadcast Journalists Association, Inc., (STBJAI) na nanumpa sa kanilang tungkulin kamakalawa sa Rizal Shrine sa Calamba, Laguna.
Sa pangunguna po iyan ng kanilang pangulo na si Christopher Sanji.
Kasama rin po d’yan ang kanilang Chairman Ka Abner Afuang, sina Aseneth Asie Awayan at Jet Claveria.
Nagpapasalamat din po tayo sa mga opisyal ng Laguna provincial government na sina Laguna Vice Gov. Ramil Hernandez, No. 1 Board Member Atty. Karen Agapay, Calamba Councilor Gigi Alcasid, Calamba Vice Mayor Ross Rizal’s daughter Miss Jane at Mayor Chipeco dahil sa suporta na ibinibigay nila sa STBJAI.
Muli, mabuhay ang STBJAI.
MAG-INGAT SA UMIIKOT NA BLACK PROPAGANDA AT WHITE PAPER
ISANG info na naman po, mayroon daw umiikot na black propaganda at white paper ( NPC – NAPOLES PAYOLA CLUB) na ibinibintang ng isang grupo sa inyong lingkod.
Ito lang po ang masasabi ko … hindi po ako ganyan ‘KAGALING.’
Hindi po ako magaling sa black propaganda at lalong hindi po ako marunong gumawa ng WHITE PAPER.
Sa katunayan, ako po ang MADALAS na binibiktima ng mga WHITE PAPER na ‘yan.
Ipinagpasa-DIYOS ko na po sila … at naipanalangin ko na rin na SUMALANGIT NAWA (SLN).
Sa SIRKULO po ng mga taga-MEDIA, kilalang-kilala po kung sino ang ‘MAGAGALING’ gumawa ng WHITE PAPER at mga henyo sa BLACK PROPAGANDA …lalo na kung mayroon silang mga GUSTONG IKANAL.
Iniaabiso ko na rin po sa inyo, sakaling kumakalat na ang nasabing BLACK PROPAGANDA at WHITE PAPER … maging matalino po kayo sa inyong paglalahad ng REAKSIYON.
Ang masasabi lang natin, PATNUBAYAN nawa sila ng mga DINIDIYOS nila at nawa’y makatulog sila nang mahimbing … kung nakatutulog pa sila.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com