ANG kusina ang feng shui part ng bahay na nagbibigay sustansya at nagpapatuloy ng buhay. Sa feng shui, ito ang pinakamahalagang bahagi ng tahanan. Ang kusina ay simbolo rin ng feng shui ng yaman at swerte.
Para sa good feng shui, mainam kung ang kusina ay hindi malapit sa front door o sa back door, kung saan ang feng shui energy ay agad na makalalabas.
Ang pagkain na iyong kinakain ay nagbibigay ng enerhiya. Upang mapalakas ang enerhiyang ito at magkaroon ng healing quality, ang pagkain ay dapat na maihanda sa harmonious at well-organized kitchen na may balanseng daloy ng Chi, o feng shui energy.
Sa patuloy nating pakikipagpalitan ng enerhiya sa ating paligid, ang good feng shui kitchen ay nakabubuo ng good spirited chef, na nagreresulta sa pagkakaroon ng good energy meals para sa masayang pamilya.
Ang good nutrition ay good feng shui, kaya magdagdag ng healthy, organic foods sa inyong diet, lalo na ang sariwang mga prutas at gulay. Bukod sa mataas na nutritional value, ang organic fruits at gulay ay nagtataglay nang malakas na healing vibrations mula sa earth na higit na kailangan ng inyong katawan.
Lady Choi