Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Effective ba si Coloma?

MUKHANG ang daming nagbago sa Malakanyang matapos mag-take over si Sec.Hermino Coloma bilang opisyal na tagapagsalita ni PNoy.

Sabi ng mga nagmamasid sa mga pangyayari sa kaharian ng anak ni Tita Cory, naging boring ang mga pulong-balitaan sa Palasyo dahil masyadong safe kung sumagot si Colma.

Sa madali’t salita, walang kwenta ang sagot ni Coloma sa mga isyung dapat niyang linawin sa bayan dahil bukod sa hindi ito detalyado ay talaga namang wala kang mapipiga sa mga pinagsasabi niya.

Kapansin-pansin na binabasa niya ang press releases kaya’t lalong napapansin ng mga nagmamasid na hindi siya handa sa kanyang pang-araw-araw na trabaho.

Sabi nga ng mga reporter na nagko-cover sa Malakanyang, walang sustansya ang kanilang mga balitaan ngayon dahil bukod daw sa hindi preparado si Coloma ay wala raw mapipiga na matinong kasagutan na pwedeng gamitin sa mga pahayagan.

Diskarte ba ito ng Malakanyang na maging safe sila sa lahat ng isyu o sadyang ganito lamang ang style ni Coloma na parang walang kasigla-sigla kapag humarap na sa media?

‘Yan ang dapat sagutin ngayon ng Malakanyang dahil naninibago ang taumbayan sa bago nilang mensahero ng impormasyon sa bayan dahil walang kabuhay-buhay.

***

Si Budget Sec. Butch Abad ang dapat umiikot sa bansa upang ipaliwanag ang DAP o Development Assistance Fund .

Siya kasi ang may kagagawan ng DAP na nagpababa sa tiwala ng publiko kay PNoy.

Sayang kasi ang oras ni PNoy kung uubusin lang niya sa DAP gayong napakaraming problema ng bansa na dapat niyang asikasuhin.

Alam nating malaking isyu ang DAP sa kasalukuyang administrasyon pero hindi naman siguro dapat ang pangulo pa mismo ang nag-iikot para ipaliwanag ito dahil nahahalata tuloy masyado ng publiko na nag-panic ang Palasyo.

Sana mabigyan ng tamang payo ang pangulo dahil nitong mga huling araw ay sablay ang mga diskarte sa Palasyo.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …