Wednesday , August 13 2025

Recycled na batas ang DAP?

ALAM ba ninyo na idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang isang batas na kahalintulad ng Disbursement Acceleration Program ng kasalukuyang administrasyong Aquino kaya hindi malayo na maideklara rin na unconstitutional ito.

Ayon sa ulat na lumabas sa pahayagang Manila Times kamakailan ay idineklara noong 1987 ng Supreme Court na unconstitutional ang Presidential Decre 1177 (Budget Reform Decree of 1977) na nagbibigay kapangyarihan sa pangulo na kumuha ng pondo mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan kahit ito ay kabilang na sa perang inilaan ng kongreso sa isang particular na gastusin (General Appropriations).

Ang probisyong ito ng PD 1177 ay kahalintulad ng probisyong nagbibigay-buhay sa DAP ni Pangulong B.S. Aquino.

“Section 44 of the same decree (PD 1177) amounts to an undue delegation of legislative powers to the Executive,” paliwanag ng S.C.

Idinagdag pa ng hukuman na ang particular na paragraph “unduly over extends the privilege granted under said Section 16[5] [of the old Constitution]. It empowers the President to indiscriminately transfer funds from one department, bureau, office or agency of the Executive Department to any program, project or activity of any department, bureau or office included in the General Appropriations Act or approved after its enactment, without regard as to whether or not the funds to be transferred are actually savings in the item from which the same are to be taken, or whether or not the transfer is for the purpose of augmenting the item to which said transfer is to be made.”

“It does not only completely disregard the standards set in the fundamental law, thereby amounting to an undue delegation of legislative powers, but likewise goes beyond the tenor thereof. Indeed, such constitutional infirmities render the provision in question null and void,” pagdidiin pa ng S.C.

Malinaw na hindi nabasa ni Pangulong B.S. Aquino III o ng kanyang mga amuyong ang desisyong ito ng Korte Suprema.

* * *

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu ng panahon ugaliing making sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes alas nueve (9) hanggang alas diyes (10) ng gabi.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa infinity_resort@yahoo.com para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vinny Marcos Patrick Gregorio Tats Suzara

Paghahanda para sa FIVB MWCH, Mas Pinaigting sa Huling Buwan

EKSAKTONG 32 araw ang nalalabi at puspusan na ang paghahanda para sa solo hosting ng …

Gymnastics

FIG technical group bibisita para suriin mga hotel at entablado na pagdarausan ng 3rd World Junior Gymnastics Meet

DARATING bukas, Miyerkoles, ang mga nangungunang opisyal ng International Gymnastics Federation (FIG) upang inspeksiyonin ang …

Tristan Jared Cervero

Tristan Jared Cervero wagi sa paligsahang Xiangqi sa PH

NAGWAGI Si Tristan Jared Cervero sa Group B o kategoryang All Filipino sa 19th Thousand …

Ivan Travis Cu Chess

FM Ivan Travis Cu, nanguna sa Blitz sa 9th Eastern Youth Chess Champs

IPINAMALAS ng sumisikat na Filipino chess star na si FIDE Master (FM) Ivan Travis Cu …

Sipat Mat Vicencio

‘Sandok’ ni Imee hindi lumusot kay Atty. Princess Abante

SIPATni Mat Vicencio KUNG makapanlait itong si Senator Imee Marcos, para bang walang kapintasan. Wagas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *