Monday , December 23 2024

Purisima itutuloy ang sibakan blues Return to Mother Unit (RTU)

TULOY para kay Secretary Cesar Purisima ang 100 percent implementation ng naumpisahang “return to mother unit (RTU) at revocation ng mga “acting capacity” at officer in charge (OIC) order na nauna na niyang ipinalabas pero nagkaroon ng aberya.

Ang 100 percent implementation ng RTU at ang pagbuwag ng OIC at ‘acting capacity’ memorandum na may recommendation naman ni Commissioner Biazon ay pag-lift ng election ban sa Nov. 12 o sa Linggo nang ito.

Nauna nang sinibak sa utos ni Purisima ang 27 collector at dinala sa DoF para ‘humarang ng malalaking alon sa Manila Bay’ (isang paggamit ito ng metaphor).

Sila ngayon ay mga ‘researcher’ imbes collector. Nauna pa rin dito ang pagtanggal ng limang deputy commissioners at pagpalit ng mga bagong mukha na galing lahat sa private sector.

Dahil nga naumpasan na ang malawakang reform sa Bureau of Customs, susunod na gagalawin ang 13 direktor at kung hindi man sila sisibakin lahat iba sa kanila ay dadalhin sa DoJ upang matiyak din ng ‘malalaking alon’ sa Manila Bay, metaphorically speaking.

Kung si ‘Pourisima’ raw ang masusunod, gusto niya ay mga bagong mukha sa matataas na puwesto, lalo iyong mga presidential appointee. Talagang total revamp sa Bureau.

Ang nangyari noong nakaraang balasahan sa Bureau, tanging tagapirma na lang si Commissioner Biazon ng transfer order at iba pa mula sa 0ffice ni Purisima na aprubado ng palasyo.

Para naman kay Biazon, naghihintay na lang siya ng utos na manggagaling kay PNoy na nag-uutos sa kanyang “your time is up,” pack up and leave.”  Wala pa naman ganitong kautusan mula kay Pinoy.

Kung mahina-hina lang ang kapit ni Biazon kay Pnoy baka matagl na siyang tinangay ng intensity l 0 daluyong. He he… Pero kita naman natin ang tibay niya. Idinaraan na nga niya sa bagong hilig niya sa sports tulad ng scuba diving, pampaalis ng tension.

Marahil sa pag-aalis ng election ban sa

November l2, delikdo nang mapalis ang mga director, at balita pa rin natin isusunod naman sibakin sa puwesto at dadalhin sa D0J na magtutulak din ng “alon sa Manila Bay” ay ang mga division chief at collector IV.

Ang katak taka ay ang pagkawala sa sibakn blues sa Bureau ang mga pesteng pulitiko. Nakabuti talaga ang pagputok ng pork barrel scam sa kongreso dahil iyong mga mahilig mag-sponsor na may kahalong pananakot ay kasalukuyang binabagyo rin dahil sa involvement nila sa pork barrel scam. He he… Ang dating bihasa sa pananakot, ngayon takot na sila sa mga sariling multo nila.

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *