Monday , December 23 2024

May mangyayari kaya sa pondo ni Juan?

FACE to face ngayon nina Benhur Luy and Janet Napoles  sa Senado, ano kaya ang mangyayari, may patutunguhan kaya ang imbestigasyon ng Senado sa araw na ito?

Hindi pa man, inaasahan na ng taumbayan na walang mangyayari sa face to face ng dalawa. Este mayroon naman daw puwedeng mangyari tulad ng mga susunod — asahang pulos pagtanggi na lamang ang depensa ni Napoles habang si Luy at ilan pa niyang kasamahang whistleblower ay ipinagpipilitan ang raket ni Napoles  hinggil sa PDAF.

Pero ano pa man, kahit na inaasahang hindi kakanta si Napoles o asahang pulos I invoke my rights ang isasagot ni Napoles, malamang na maraming mambabatas pa rin ang manginginig ang kanilang tuhod.

Nanginginig ang kanilang tuhod sa takot na baka madulas o mapikon si Napoles at bigla na lamang magkakanta. Maaari kasing magkakanta at isabit na lamang lahat ni Napoles ang gusto niyang isabit. Pwede.

May ebidensiya man siya o wala sa pagkanta (kung sakali), malamang na siya (Napoles) ay paniniwalaan ng taumbayan.

Pero iyon nga lang ay malabong kakanta si Napoles kaya, malabong mayroon din mangyayari sa imbestigasyon. Sa madaling salita, ang imbestigasyon ngayon ay mauuwi lang sa wala.

Bukod sa mauuwi sa wala, malaking pondo ng bayan mula sa buwis ng mamamayan ang mawawaldas. Para po sa kaalaman ng lahat, ang bawat hakbangin ng Senado para sa imbestigasyon sa pork barrel scam ay may nakalaang pondo para rito. Hindi piso kundi aabot din ng daang libo hanggang milyones.

May nakapagbulong pa nga na ang mga senador na mag-iimbestiga ay may matatanggap pang allowance para rito. Gano’n? Totoo kaya na may allowance ang mga Senador sa bawat hearing?

Kung totooo ang info hinggil sa allowance at sa kabila ng malamang na walang patutunguhan ang imbestigasyon sa araw na ito,  aba, ang taumbayan pala ang mawawalan nang malaki rito.

Hindi naman tayo kontra sa pagsalang kay Napoles sa Senado ngunit kung magsasayang lang naman ang bayan ng malaking pondo sa imbestigasyon na walang patutunguhan, hindi ba mas maganda sana kung deretso nang kasuhan si Napoles batay na rin sa salaysay nina Luy at mga kasamahan niyang ‘singer.’

Kasuhan na si Napoles, kasuhan ang mga idinawit na mga mambabatas, kasuhan din ang makakalap pang mga kasabwat sa scam upang sa gayon ay hindi na masasayang pa ang pondo ng bayan.

Tutal rin lang naman, maraming mambabatas ang naniniwalang walang mangyayari sa imbestigasyon o sa pagsalang kay Napoles, ‘e di mas maganda kung ang lahat ng sangkot ay kasuhan na lang. ‘Ika nga sa korte na magkita-kita.

Iyon nga lang masasabi pa rin pabor din tayo sa pagsalang kay Napoles para magkaalaman na. Iyon nga lang, mayroon kayang bago? Mayroon kayang makakalkal na pakikinabangan ni Juan Dela Cruz?

Iyan ang mananatiling malaking katanungan sa araw na ito?

Well, for the benefit of the doubt, sana nga ay mayroon makalkal ang magagaling nating mga Senador para hindi rin masayang ang kanilang oras at higit sa lahat – hindi masayang ang pera ni Juan.

***

Para sa inyong komento, reklamo at suhestiyon, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *