PAANO makabubuo ng good feng shui sa office cubicle?
Ang lahat ng bagay sa paligid ng iyong opisina ay makaiimpluwensya sa iyong personal energy, dahil ang lahat ng bagay ay enerhiya.
Kung ang co-worker na katabi mo ay may bad feng shui sa kanyang office area, ikaw ay maiimpluwensyahan nito.
Ang tanging bagay na iyong magagawa ay alagaan ang feng shui ng iyong sariling office area, at patatagin ang clear boundaries.
Kung ikaw ay nagtatrabaho sa cubicle type office setting, na ang office set-up ay hindi maaaring baguhin, pagtuunan nang higit na pansin ang pagbubuo at pagpapanatili ng good energy sa buong araw sa opisina.
Maaaring hindi pwedeng galawin ang iyong desk para sa feng shui commanding position, o harapin ang iyong lucky feng shui directions, mayroon pa ring ibang paraan para mapagbuti ang iyong workspace.
Narito ang ilang basic feng shui tips para sa cubicle office:
*Kung ikaw ay nakatalikod sa pintuan, tiyaking magkaroon ng paran na makita ang reflection ng office entrance, ang ibig sabihin ay magkaroon ka ng view sa kung ano ang nangyayari sa iyong likod. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng estratehikong paglalagay ng office related-object na yari sa makintab na metal.
*Alamin kung anong feng shui office energizers ang maaaring dalhin sa iyong space at ilagay ito sa best placement. Ang ilan sa “feng shui must have” para sa opisina ay air purifying plants at high energy items, katulad ng mga larawan na nagtataglay ng enerhiya ng masayang sandali, o inspiring art na may magandang mga kulay.
*Tiyaking mayroon kang clear organization system at walang lugar na puno ng mga kalat. Kapag dumami ang mga kalat, gagawin ng enerhiya na maging bad feng shui office ang iyong opisina.
*Alamin ang EMF pollution sa iyong paligid. Kung ikaw ay napaliligiran ng mga computer at iba pang office related equipment sa mahabang oras, tiyak na masasaid ang iyong enerhiya.
lady Choi